Chapter 8

884 13 0
                                        

Simula nung araw na pumayag si Celyn na ihatid sya ni Ethan sa pag-uwi halos araw-araw na syang hinahatid ng binata. Naging masugid ito sa panunuyo sa kanya.

Nakita ni Celyn na tila sincere naman ang binata sa mga ipinapakita sa kanya kaya almost 2 months palang itong nanunuyo sa kanya ay sinagot na nya ito isang hapon na ihatid sya nito sa apartment na inuupahan.

"Talaga, sinasagot mo na ako?" tila tuwang-tuwa na tanong ni Ethan kay Celyn.

Tango lang naman ang naging tugon ng tila nahihiya pang dalaga. Nangingiti syang makita na walang pagsidlan ng tuwa ang binata. Masaya rin sya. Masayang-masaya! Yung lalaki na pinagdarasal nya lang dati na sana ay mapansin sya, ngayon ay boyfriend na nya.

Masayang nag-paalam si Ethan kay Celyn nung hapon na yun.

Sa school nang sumunod na araw nasabi na ni Celyn sa kaibigang si Kakai at Melissa na sinagot na nya si Ethan.

"At talagang di mo na pinatagal-tagal ha!" tukso pa ng kaibigang si Kakai ke Celyn na ikinatawa nila.

"Masaya kami para sa'yo!" sabi ni Melissa.

"Salamat!" naka-ngiti namang tugon ni Celyn sa kaibigan.

Oras na naman ng uwian at sa labas ng school nakita na ni Celyn na nag-hihintay si Ethan. Nakangiti itong sumalubong sa kanya sabay kuha sa mga libro nyang dala. Tila kinilig naman si Celyn sa ginawa ng nobyo pero di nya alam na mas kikiligin pa pala sya sa sunod na gagawin nito.

"Para nga pala sa'yo" tatlong mapupulang rosas ang ibinibigay sa kanya ng nobyo na kinuha siguro nito sa likurang bulsa ng pantalon nito.

Ngiti lang ang naging tugon ni Celyn bilang pasasalamat sa nobyo. Natameme na naman kaseh sya kaya kahit simpleng salitang "thank you" ay di nya nasabi.

"Celyn, kasing-pula na nyang roses na hawak mo yang pisngi mo" kantyaw ng kaibigan nyang si Kakai na noon ay nasa tabi nya pa pala.

Mas lalo pa atang nadagdagan ang hiya na nararamdaman ni Celyn dahil sa kantyaw na yun sa kanya ng kaibigan. Ngali-ngali nya tuloy pingutin ang tenga nito dahil sa kadaldalan.

Nangiti lang naman si Ethan pagka-kita sa tila hiyang-hiya na si Celyn. Di na sya magtataka dahil sobra talaga ang pagka-mahiyain ng nobya. Kadalasan nga pagkausap nya ito.. pag hindi nakayuko ang ulo nito, halos mabali naman ang leeg nito sa pag-iwas ng tingin sa kanya.

"Kakai, Mel, tara sama kayo sa'min ni Celyn, meryenda muna tayo" pag-aaya ni Ethan.

"Sigi...join kami ni Mel" sabi ni kakai. "Saan naman tayo kakain?" agad pang tanong nito.

Ang kaibigan nya talagang si Kakai oh..sa isip lang ni Celyn. Nahihiya sya sa nobyo kaseh magagastusan pa ito.

"Dyan nalang tayo sa Tia Maritas" sabi ni Ethan na ang tinutukoy nito ay ang di pa natatagalan at kabubukas palang na restaurant di kalayuan sa school nila. "Isama narin natin si Dondon" dugtong pa nito.

"Ethan wag nalang..." sabi ni Celyn sa nobyo. Nahihiya talaga sya dahil marami silang ililibre nito.

"Magmemeryenda lang naman tayo, sandali lang yun" sabi naman ni Ethan kay Celyn. "Tara..." at agad pa nitong ginagap ang kamay ng nobya.

Wala naman nang nagawa si Celyn kundi ang sumunod dahil hawak na ng nobyo ang kamay nya at tila wala itong balak bitiwan yun kung hindi sya sasama.

Agad namang lumabas si Dondon para sumama sa kanila ng tawagan nila ito dahil tapat lang ng school nila ang apartment nito.

Pagdating sa Tia Maritas tig-iisang set lang naman ng burger, french fries, at coke ang inorder nila. Konteng kwentuhan...pagkatapos nilang mag-meryenda at pagkabayad ni Ethan ng kinain nila ay nauna ng humiwalay sila Kakai, at Dondon kela Ethan at Celyn dahil malapit lang ang apartment ng mga ito sa restaurant na kinainan nila. Si Melissa naman ay sumakay na ng tricycle dahil dadaan pa raw ito sa bookstore.

"Nabusog ka ba? Parang wala ka naman atang masyadong nakain" tanong ni Ethan kay Celyn. Nahati lang kaseh ng nobya ang burger na inorder nya para dito at sinaluhan pa ito ng mga kaibigan nito sa french fries nito.

Nakangiti na tumango lang si Celyn. Nahihiya syang sabihin sa nobyo na kaya di nya naubos ang pagkain na inorder ng nobyo para sa kanya ay nahihiya syang kumain kaharap ito:)))

Saktong may pumara ng tricycle...sumakay na ang dalawa para ihatid na ni Ethan si Celyn sa tinutuluyan nitong apartment.

------------

Pasensya na po kung maiksi lang ito ulit...try ko nalang pong mag-upate agad!

Kay Ms. ThelmaTanDydzik...tnx po for voting!!! at sa patuloy na nagbabasa, nagbo-vote and nagko-comment...tnx po sa inyong lahat :)

Ikaw ang True Love ko(kimxi)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon