KABANATA XXXVII

184 22 43
                                    

KABANATA XXXVII: ANG PABOR

Eleanor

Sa Zohorha. Abala ako sa pagbabasa ng aklat habang nakaupo sa tabi ng bukas na bintana. Isang oras at kalahati na akong narito ngunit nagagawa ko pa ring ikalma ang aking sarili. Wala akong pasok ngayong linggo kaya ito lang ang pinagkakaabalahan ko simula noong lunes.

Habang nagbabasa ako, may kumatok naman sa pinto ng kuwarto ko. "Binibining Eleanor, nagdala po ako ng mainit na tsokolate!" wika ng Aling si Kaede. Medyo may katandaan na siya, nasa limangpung taong higit pa. Aling Kaede ang tawag ko sa kanya simula noong pumasok siyang kasambahay namin kaya nasanay na ako.

"Sige, ilagay mo nalang sa lamesa!" utos ko kaya bumukas ang pinto. Narinig ko ang bawat paghakbang niya palapit sa mesa at doon inilapag  ang isang tasang may lamang mainit na tsokolate.

"Binibining Eleanor, hindi po ba kayo sasama sa pamamasyal? Aalis daw ang mga magulang mo papuntang dagat kasama ang iyong mahal na kapatid na babae."

"Hindi na, salamat nalang at isa pa kailangan kong mag aral para sa paparating na pagsusulit namin," sagot ko habang nakatuon ang mga mata sa binabasang libro.

"Napakasipag mo naman po," manghang tugon niya nang nakangiti.

"Siyempre, ako pa ba? Hahaha, mas magaling at mahusay naman ako kaysa Prinsesa Shanelle," may pagyayabang sagot ko.

"Sino ho? Siya ba 'yong anak nina Haring Willengham at Reyna Rozell?"

Bagot akong tumango. "Hindi mo ba kasundo ang anak nila?" ang tanong niya na nagtataka ang mukha. "Hindi at kahit kailan ay hindi ko siya makakasundo."

Kumuha siya ng upuan sa tabi at pansamantala akong tinabihan. "Ano bang kasalanan niya kung bakit galit na galit ka?"

"Wala, hindi ko lang talaga siya gusto. Huwag nalang natin siyang pag usapan, sumasakit ang ulo ko e," pagdadahilan ko at napakamot sa noo.

"Alam mo na ba ang balita, binibini?"

Malimit akong huminto sa pagbabasa at isinara ang libro. Tiningnan ko siya na tila takang-taka sa mga susunod niyang sasabihin. "Ikakasal daw ang anak nila sa isang prinsipe."

"Sinong prinsipe?"

"Wala pa bang nakapagsabi nito sa iyo?" ang tanong niya.

"Wala."

"Lhyster, Lhyster ang pangalan ng prinsipe. Ang nag iisang anak nina Haring Jharel at Reyna Sue Jill."

"Hay, ang swerte naman pala niya. Akalain mo iyon, nakabingwit siya ng prinsipe dahil sa kalandian niya. Napakalandi talaga kahit kailan!" galit na sabi ko dahilan para mapatapal siya ng noo.

"Hindi kundi ipinagkasundo," may pagtatanggol sa pananalita niya.

"Kung sa bagay, mula siya sa maharlikang pamilya kaya ganoon. Ginagalang siya at hinahangaan ng marami. Halos lahat ng mga kalalakihan sa kanilang bayan ay siya ang habol pero wala namang kwentang prinsesa, pweee!" sabi ko.

"Walang patutunguhan ang galit!"

"Hindi bale na, saka lang kami magkakaayos kung luluhod siya sa harapan ko at hihingi ng tawad."

"At bakit niya gagawin iyon?"

"Dahil naging bastos siya sa akin. Porke't ba prinsesa siya, ganoon nalang siya magsalita sa 'kin? Hindi makatarungan," asik ko.

"Hindi ko maintindihan pero ito lang ang masasabi ko, binibini. . . . huwag mong hayaan na habang buhay kang magtanim ng galit sa kanya. Minsan, matuto kang magpatawad, hindi ba't isa iyan sa itinuturo sa Rendell?"

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)Where stories live. Discover now