"Mia," narinig niyang tawag ni Roman at ng lingunin niya ito, may hawak na tray ng pagkain ang binata. Nakangisi ang loko, at muntik ng maipagkanulo ang pagiging pusong babae nito.
Nasa malapit silang karendarya na nasa harap mismo ng ospital na pag-aari ni tiya Berta. Kailangan lang niyang tumawid sa daang pampubliko, at nasa harap na mismo ang medyo may kalakihang karinderya. Dati maliit lang ito, at unti-unti nagdagdag ng parte ang matanda dahil lumalakas narin ito. At ng pinalaki ang ospital, lalong dumami ang mga kumakain.
Katabi ng karinderya ay ang pinakamalaking parmasya ng Santa Monica. Nasa labas lang ng sentro ng Santa Monica ang ospital.
Isa ring nurse si Roman sa ospital tulad niya. Nauna lang ito ng isang taon. Tulad niya, agad din siyang nakuha upang magtrabaho rito.
Simula ng hindi sinasadyang nakita niya sila ni August na naghahalikan sa loob ng auditorium, hindi na siya tinantanan ni Roman, takot na baka ipagsasabi nito ang nadiskubre.
At naawa naman siya sa kapatid ng kaibigan niyang si Rosie. Akala pa man din ng papa nila na siya ang magpapatuloy sa lahi nila. At takot na takot itong malaman ng ama.
Hanggang ngayon, lingid pa sa kaalaman ng lahat ang tunay nitong kasarian. Tanging siya at si Rosie ang nakakaalam. Ipinaalam ni Roman kay Rosie dahil paminsan-minsan tinutulungan siyang makatakas upang makapiling ang nobyo nito.
Umupo si Roman sa harap niya, saka ibinaba ang tray na may nakapatong na isang bottle ng coke at plato ng kanin at dalawang ulam.
Patapos na siyang kumain at tapos narin ang shift niya. Maaga siyang nag-umpisa ngayon, kayat maaga din ang tapos niya. At ang kuya niya na sana'y magsusundo sa kanya, malalate daw dahil may kukunin sa kabilang bayan. At ang daddy naman niya, hindi maiwan ang mga trabahador.
Kaya't napagpasyahan niyang antayin ang kuya niyang si Miguel sa karinderya, at kumain narin siya dahil gutom na gutom na siya, lalo pa at ang babango ng mga ulam na luto ni tiya Berta.
"Buti naman at nadatnan pa kita dito. Kahit papano, hindi ako parang ewan mag-isang kumain rito," nakangiting wika nito at may konting hinhin siyang nahihimigan sa tonong ginamit nito.
"Swerte mo at hindi pa nakakabalik si kuya MIguel mula sa Paoay," anang niyang nakangiti habang sinusundan ang bawat galaw ni Roman. At dahil alam niyang babaeng puso ito, napapansin niya ang mga maliliit na bagay na nagpapatunay tulad ng pagpilantik daliri nito at ng kilay, ang paglingon-lingon nito, may konting arte, at ang wala itong kainteres sa mga dalagang dumadaan sa harap niya.
"Kung mahintay mo ako hanggang alas-singko, ihahatid na kita," suhestyon ni Roman sa pabirong tono ngunit may kalakip na kaseryosohan kung tatanggapin niya.
Pareho silang nakaputing uniporme ng mga nars. Nakikita niya ang baby blue na t-shirt nito mula sa siwang ng isang butones nitong nakabukas sa puti nitong scrub.
Umiling siya. "Gusto kong bumalik sa tulog, Maaga na naman ako bukas," sagot niya.
"Ang aga naman kasi ng shift mo," komento nito.
Ngumiti lang siya. May sakit ang anak ni Lorena kaya't siya muna ang pumalit sa shift nito. Dati pang-alas syete siya. Ngayon, alas-sais ang umpisa niya, at babalik lang siya sa dati pagkabalik ni Lorena sa trabaho.
Maya-maya'y, nagsalita si Roman. "Sakit sa ulo talaga yang si Dolores," pumitik pa ang kamay nito, and kanyang boses may kalambutan. Dahil pasado alas dos na, walang katao-tao, at nasa isang gilid sila ng karinderya umupo, kaya't hindi mapigilan ni Roman ang pagpapalit anyo.
Natawa naman siya. "Ano na naman ang hiniling ng matandang iyon?" tanong niya saka ipinatong ang dalawang kamay sa mesa.
"Nahuli kong inilabas mula sa bibig ang gamot saka itinago sa ilalim ng unan!" nanlalaking bulalas nito at natawa siya. "Buti nalang bumalik ako dahil nakalimutan kong itanong kung darating ba ang anak nito?" umikot pa ang mga mata nito at natatawang umiling siya.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romance"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...