"Anong nangyari sayo, anak?" nagtatakang tanong ng kanyang ina at mabilis siyang umiling. Nakaalalay ang kanyang ina sa ama habang medyo paika-ika pa itong bumaba ng hagdan.
"Wala ngunit mukhang gusto mong pumatay ng tao," wika ng kanyang ama.
"Pagod lang ako, dad...mom," at mabilis niyang binaybay ang hagdanan papuntang kwarto niya. Duon gusto niyang ilabas ang luha at lahat ng sama ng loob.
"Padala ako ng meryenda sa kwarto mo?" pahabol ng ina niya.
"Busog ho ako," maagap niyang sagot ng hindi lumilingon at dire-diretso sa pasilyo at saka lumiko pakanan, at sa dulo ang kanyang kwarto.
Nagtinginan ang mag-asawang Leilanie at Miguel Senior sa inakto ng anak, at nagkibit ng balikat ang daddy ni Mia, at sinundan naman ng tingin ni Leilani ang likuran ng anak, nag-aalala.
Pagdating sa kwarto ni Mia, agad niyang isinara ito at saka ni-lock.
At itinapon ang kanyang gamit sa kanyang kama, saka nanghihinang napaupo.
Sa nangyaring pag-uusap nila ni Elijah, tila'y hinigop nito ang kahuli-hulihang enerhiya niya.
Napahigpit ang hawak niya sa gilid ng kanyang kama dahil sa tinitimping sigaw na gustong umalpas mula sa kanyang lalamunan.
Gusto niyang magwala, maghihiyaw hanggang sa mawala ang galit na biglang nabuhay sa kanyang dibdib. Mga damdaming ilang taon niyang pinilit kalimutan, at akala niya tuluyan ng nawala sa kanyang dibdib.
Iba't ibang damdamin na nagpapabigat sa kanyang puso.
At dahil sa pagbabalik ni Eli, ngayon ginugulo na naman niya ang tahimik na niyang buhay. Ang payapang puso.
Unti-unting naglandas ang mag luhang kanina pa niya pinaglalabanan.
"Bakit kapa bumalik? Sana sa Amerika ka nalang tumira! Sana hindi kana nagbalik rito?" mahinang iyak niya, at yumugyog ang kanyang mga balikat at hinayaan ang mga luhang akala niya, ubos na sa mga nagdaang panahon.
At ang alala ng nakaraan parang luha niyang dumaloy sa kanyang isip...
Isang linggo na ang nakalilipas ngunit masakit parin kay Mia ang nangyari sa kanila ni Eli. Pinilit niyang maging kaswal sa harap ng mga kaibigan nila. Maging masaya kahit na dinudurog ang kanyang puso.
At nakilala niya si Camilla sa school nila ng minsang dinala siya rito ni Eli. Napakaganda nga nito at parang isang manika sa puti. Parang isang modelo ito na sa TV lang niya napapanood. Pinakulay ang buhok na parang buhok ng mais at straight na straight. Matangos din ang ilong na bumagay sa oval nitong mukha. Matangkad at sopistikada. Matanda lang ito ng isang taon kay Eli.
Pinaglabanan niya ang sakit tuwing nakikita niyang kasama ni Eli si Camilla sa eskwelahan nila. At tuwing naririnig niya ang pagtukso ng mga kaibigan nila sa kanilang dalawa.
Hindi rin lingid ang titigan ng dalawa na parang sila lang ang naroroon. Kaya't iniwasan niyang mapasama sa mga grupo nila kung maari.
Sa libray na siya halos nagtatambay at nagbabaon narin para wag lamang makita ang mga ito. Minsan, sinasamahan siya ni Tomas sa library. Nagpapasalamat nalang siya at dumating ang Marso, at ang summer vacation. Akala niya, makakaiwas na siya ng tuluyan kay Eli at Camilla. Hindi niya akalaing iyon ang sumubok sa kanyang tapang.
Mayo otso, taong 1992
Dumating ang Don sa pagkakagulat ng mga magulang ni Mia, kasama ang malayong pamangkin nitong si Jeorge, kwarenta 'y cinco taong gulang. Anak ng pinsan niya sa ina, na si Matthew San Vicente.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romance"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...