Pagdating ni Mia sa kanilang bahay, nagbihis agad siya ng kanyang pangkabayo. Matagal-tagal narin niyang hindi nasasakyan si Pillow, ang kanyang kabayo na regalo pa ng kanyang ama nuong ikasampung kaarawan niya.Puting-puti ang mga balahibo ni Pillow at kulay tsokolate ang nakapalibot sa mga mata nito pababa hanggang sa buong leeg hanggang tyan. At umabot din hanggang sa puwitan nito. Natutuwa siya sa kakaibang kulay nito, at sa unang pagkakakilala nila, she fell in love with her.
And they bonded so easily.
At sa ilang taong lumipas, isa rin si Pillow sa naging kasa-kasama niya. Ang saksi sa mga balde-baldeng iniluha niya.
Sa manggahan sila lagi nagpupupunta, kundi man ilog sa malayong parte ng kanilang lupain, malapit na sa duluhan ng manggahan ng pamilya Prieto. At iyon na nga ang talampas.
At hindi nagkulang sa paalala ang kanyang mga magulang na huwag gumawi sa tuktok sapagkat marami na raw ang namatay dito. At baka magwala din daw bigla si Pillow o makakita ng mga ligaw na hayop at itapon siya sa bangin.
Kung mahuhulog siya sa matarik na bangin, siguradong hindi na siya mabubuhay pa pagdating sa ibaba.
Puro puno ang mga iyon, at mahirap makita kung ano ang nasa ibaba, pero sigurado siya na may nag-aabang na mga malalaki at matutulis na bato at mga kahoy sa ibaba. Idagdag pa ang mga mababangis na hayop.
Wala pang nagtatangkang bumaba mula sa talampas, at pasukin ang makakapal na mga puno na parang kumot na lumatag sa paibaba sa bangin. At sa kalayuan, mula sa tuktok ng talampas, makikita ang dagat ng South China Sea. Parang diamante ang tubig, kumikinang mula sa ilalim ng araw.
Ang mahabang ilog na nakapagitan sa lupain nila ng mga Montenegro ay nagdudugtong sa mga waterfalls hanggang sa dagat. Habang papalapit siya sa waterfall, lumalalim ang ilang kilometrong ilog, at napapalibutan na siya ng mga iba't-ibang matataas na puno.
Ang dating daan na tinatahak niya papunta sa kubo dati ay natatakpan na ng mga ligaw na damo, at mga nagtataasan na mga talahib. At ang dating tulay na gawa sa troso ay bumigay narin. Ilang dekada narin kasi ang lumipas at hindi pa napapalitan, idagdag pang may alitan dati ang mga pamilya nila.
Hindi naman kalaliman ang tubig at mabato, ngunit malakas ang agos ng tubig. Hindi nga lang niya sigurado kung lumalim na ito dahil wala namang naliligo na duon, at walang pumupuntang mga kabinataan at gumagamit.
"Malapit na tayo, Pillow," saka bumagal ang pagtakbo ng kanyang kabayo. And she took a deep breath. She filled her lungs with the scent of the trees and the salty sea air, at ang amoy ng mga nagtatayugang mga puno. Malayo na sila sa kanilang manggahan, at hindi na nila ito teritoryo, pero walang pumupunta sa lugar na iyon.
It was dangerous, but she didn't care. She wanted to get away, to take some fresh air, at kalimutan ang nangyari kanina.
Nasa clearing na siya, at parang manicured na damo ang nasa harapan nya na nakalatag. May maliliit na puno na isa-isang tumubo sa malaking pwesto. At sa matatandang puno sa di kalayuan, nakikita niya ang mga namulaklak na ligaw na orchids sa malalaking sanga ng mga puno.
Wala sa sariling napatingin siya sa langit at agad siyang napapikit ng tumama sa kanyang mga mata ang sinag ng araw. Agad niyang ibinaba ang kanyang ulo.
Pinagpapawisan siya at gamit ng kanyang braso na natatakpan ng manggas na hanggang siko, pinunasan ang pawis sa mukha.
Mula sa daan, walang naririnig si Mia na ingay na nagmumula sa tao, tanging pagaspas lang ng tubig at huni ng mga ibon, at ang tahimik na kalawakan.
Lalong lumalakas na ingay ng pag- agos ng tubig mula sa Marina falls na siyang pinanggagalingan ng tubig sa ilog, at nagdudugtong iyon sa dagat ang kayang naririnig habang papalapit.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romance"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...