Chapter 25

942 22 2
                                    


Nakarinig si Mia ng tunog ng motor, at ng nilingon ang direksyong tinalunton kanina ni Eli pabalik sa main building, mula sa kabilang daan, paikot, bumungad sa kanya ang gold cart na kulay puti rin.

Napansin niya ang mga malalaking bangka na de motor, ngunit kasinglaki ng mga yate, sa di kalayuan malapit sa isa pang building na tila duon nakalagay ang mga pangdagat na pang aktibidad ng mga bisita.

Pumarada sa harapan niya ang cart, at pangdalawahang pasahero ito. At sa likod nito, nakalagay ang bag niya at isa pang duffel bag. Naisip nitong dala ng kasintahan.

Ilang minutong tinahak nila ang daan na tamang-tama lang sa golf cart, at wala siyang nakikita kundi mga nagkalat na iba't-ibang puno, at mga ligaw na mga palumpon ng iba't-ibang halaman, at mga bulaklak.

Tila pumaikot ang golf cart, at pataas ito, at sa wakas, narating nila ang isang bahay na gawa sa kahoy at semento. Bumaba siya at ingat na ingat na tinalunton ang mabatong daan, hanggang sa makarating siya sa matarik na hagdan na bato. Paitaas sa bahay.

Ang layo nito sa entrance. Hindi rin niya napansin ang ibang cottages na sabi niya nagkalat sa magubat na parte ng resort.

Rinig parin naman niya ang tubig at tila nasa ilalim nila.

"This is mine. Where I stayed most times kapag gusto ko ng katahimikan. At ng ginagawa ang mga cottages, dito ako tumitigil rin," sabi nito at saka sinusian ang pintuan na gawa sa de ukit na kahoy, at bumugad sa kanya ang maluwang na sala na napapalibutan ng puro de salaming dingding.

Napansin din niya ang keychain na bigay niya nung kaarawan ni Eli at napatingin siya kay Eli bago pa man nito maibulsa muli ang susi nito.

"You kept it?" wala sariling nasabi niya habang nakatitig sa keychain.

"Yes. And it's the only thing that reminded me of you. Tila kasa-kasama din kita kapag nasa akin ito," sagot niya, at parang maiiyak siya sa tuwa.

Nang ibigay niya ito sa kanyang pagka-alaala, tila balewala ito sa kanya.

"Akala ko, wala lang iyan sayo?" aniya sa sarili ngunit narinig ni Eli.

"I took it as soon as you turned your back. It's the only gift I was excited to open that night. Wala akong pakialam sa iba," at saka nito ibinulsa ang susi at keychain. "Salamat, and I really love it."

Tila naman lumobo ang kanyang dibdib sa narinig. Nangingilid na ang kanyang luha sa sobrang kaligayahan.

Saka lang tila natauhan siya ng iminuwestra ni Eli ang kamay na pumasok na siya.

Unti-unti siyang pumaloob sa maluwang na entrada ng cottage, at mula sa kinatatayuan niya, kita niya ang dagat. Walang hanggang tubig na tila kumikinang na ginto sa ilalim ng munting sinag ng araw na patirik na.

"Oh my god! It's beautiful," bulalas niya at mangha-manghang nakatitig sa kalawakan, sa dulo kung saan ang tubig at langit ay nagtagpo.

Saka lang niya napansin ang balkonahe mula sa salaming dingding. Lumapit siya upang masuring mabuti ang paligid.

Napahugot siya ng malalim sa sobrang pagkamangha sa loob ng cottage, at ang kanyang paningin ay dumiretso sa mahabang parte ng cottage, at nagdugtong ang sala at ang maluwang na espasyo ng cottage at tila karugtong na receiving area dahil sa ilang mga sofang nakalagay sa gitnang parte at may malaking paso na nasa tabi ng mahabang sofa.

Tila batang mabilis ang hakbang na tinungo paloob ng cottages, at napasinghap siya ng makita sa kaliwang bahagi ay karugtong din ng balkonahe. At napagtanto niyang malaki ang cottage, tila mga bahay na nakikita lang niya sa telebisyon sa hollywood na malapit sa tubig at nasa pinakatirik na bahagi ng bundok.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon