Epilogo

2.1K 57 11
                                    

Final chapter

Warning: Contents below is for adult only. 18 years old and above. Please be guided.

Tuscany, Italy

"Ang ganda!" manghang-mangha na pinalibot ni Mia ang tingin sa loob ng malaking villa.

They were booked in a villa. Not a hotel but it was a five star villa nga naman.

Pagpasok palang nila sa high-ceilinged room mula sa double door na pintuan, binati sila ng maluwang na receiving room at nakakonekta sa malaking kusina.

Pumasok siya sa loob, at dumiretso sa pinakalikuran ng napakaluwang na villa. tanging malaking dingding lang ang nagdidibisyon sa kusina at kwarto. Wala itong pintuan.

Malaki ang kwarto nito at may malaking kama at lahat ng mga muwebles na naroroon ay antigo. Malakas ang loob niyang mas matanda sa tatay niya ang villang iyon, dahil sa mga kagamitan na anduon. Lahat yata ay antigo.

Bumalik siya sa kusina at sala, at napansin niya ang TV na nasa dingding at kaharap ng sofa.

Sa isang gilid ng malaking silid ay ang pang-apatang mesa na may apat na silya.

Ang island counter na yari sa matigas na kahoy ay may mga nakadekorasyong basket na may lamang mga prutas at mga maliliit na botelya ng olive oil at sari-saring flavor iyon. May stove top ding built-in.

May garlic infused olive oil, rosemary, honey and oregano infused oil at iba pa.

Ang mahabang sofa ay avocado green ang kulay na kapareha ng makapal na kurtina na sa malaking de-salaming bintana.

Naglakad siya patungo sa my bintana at sa pagdaan niya sa sofa, ibinaba muna ang bitbit pa palang bag niya.

Inalis din niya ang kanyang sweater at iniwan lang ang kanyang tank top, at ipinatong din ang sweater sa bag niya.

Dumungaw siya sa bintana ng makalapit ito at tinanaw ang ibaba.

Mga taong tulad nilang turista ay naglalakad sa cobblestone at pinagtitinginan ang naggagandahang infrastraktura ng mga villa.

At sa malayo ay ang dagat.

She gasped in awe. It was breathtaking.

Nawala lang ang paningin niya sa magandang tanawin ng maramdaman niya ang mainit ng dibdib ng asawa at ang pagpulupot ng mga kamay nito sa kanyang beywang.

"I could live here forever," kanyang nasambit at saka isinandig ang likod sa matigas na dibdib ni Eli.

Eli chuckled, at saka nito pinaraanan ng halik ang balikat ni Mia na nakahantad. Biglang dinaluhong ng kiliti ang buong katawan ni Mia.

Pagkatapos ng kasal nila, nang gabing iyon, pumunta sila ng Maynila upang lumipad patungo nga ng Italya.

Alas sais ng lumipad ang eroplano at kumulang na disi-siete oras ang biniyahe nila.

At mag-alas cuatro na ng hapon ayon sa malaking relo na hugis pabilog at nakasabit sa dingding sa kusina.

Napag-alaman niyang pitong oras ang diperensya ng Pilipinas sa Italya.

Biglang kumalam ang kanyang tiyan at naalala niyang ilang mga oras narin silang walang kain.

"Kailangan kong maligo, Eli. Amoy pawis ako," bigla siyang nahiya sa asawa at saka akmang umiwas ng hinigpitan lalo ng asawa ang pagkakayakap dito.

"No, you smelled divine, sweetheart!" anito at nagulat pa siya ng bigla siya nitong pangkuin at saka nagmamadaling dinala sa kwarto. "Kahit pa amoy araw o lupa kana, I will always love you. Kasama na duon ang mga dumi mo sa katawan!" nakangising deklara ni Eli at natawa si Mia, though her heart swelled with overwhelming happiness.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon