Chapter 28

870 22 5
                                    


Magkakasabay na kumain silang lahat sa malaking hardin ng mga Montenegro. At bumalik sa ala-ala ni Mia ang gabing kaarawan ni Eli. Ang pagkakita niya kay Jimmy muli, tila tinutukso siya ng nakaraan, ngunit nilabanan niya ang pagsira nito sa masayang sandali nila ni Eli.

Hindi na kasing-sakit, ngunit nakakalungkot paring isipin.

"Hugas lang ako ng kamay," paalam ni Eli sa kanya at tinanguan niya ito saka nginitian.

Mabilis namang tumayo si Eli, at naiwan sila nina Joanna, ang ina ni Joanna, ang pamilya ng lola Ging, at katabi nito ang Don na mukhang napakatahimik, at tila wala rin sa sarili kanina pa.

Naisip ni Mia na baka dahil sa edad nito, baka matulad ito ng tiya Dolores. Ganitong-ganito ang matandang iyon.

Disoriented, at kapag kausap, tila ang bagal rumehistro ang sinasabi sa kanya.

"Mabuti naman at napasyal ka, Mia. Hindi na ako makapaghintay sa kasal niyo ni Eli," sabi nito at ngumiti si Mia. Mukhang unti-unting bumabalik ang memorya ng matandang Don.

Pinakiramdaman din ni Mia ang sarili. Wala na siyang makapang galit para sa matanda. Nasaya siya sa kaalamang napatawad na niya ang Don. Mas mapayapa na ang pakiramdam niya.

Alam niyang kapag may galit sa dibdib niya para sa tao, pati siya nakakaramdam ng bigat ng dibdib din.

Tulad ni Jimmy, nang mapatawad niya ito, kinalimutan ang ginawa nito, gumaan ang pakiramdam niya. Nakita naman niya ang tunay na pagsisisi sa mga mata nito. At saka matagal ng panahon ang lumipas, at may sarili narin itong pamilya.

Nginitian niya ang Don. At natuwa siyang naalala nito ang kasal nila ni Eli na palapit.

"Salamat, Don Eliseo," nakangiting sagot niya.

Lahat ng atensyon natuon sa kanila. Mahigpit ang hawak ng matanda sa baston nito habang yumuko ng konti upang malapit ang mukha nito sa kanya. Pagitan nila ang binakanteng upuan ni Eli.

Nag-alala naman si Mia na baka matumba ito. "Kumusta ang lola Soling mo?" tanong nito. At nangiti si Mia.

Napansin niyang tuwing nakikita niya ito, laging tinatanong ang lola niya.

"Okay naman po si lola, Don Eliseo. Napaliksi parin naman, sa awa ng Diyos," nakangiting sagot niya.

Napangiti ang Don. "Magiging asawa kana ng aking apo, kaya't tawagin mo na rin akong lolo," sabin ito at kiming tumango siya. "Saka pakisabi kay Eda, paminsan-minsan naman akong dalawin. Nung mamanhikan kami, yun na ang huling pagkikita namin," sabi nito na tila batang nagtatampo.

Kahit pagkatapos ng engagement, namanhikan parin ang mga pamilya ni Eli. At duon nawala ang lahat ng agam-agam ng mga magulang niya sa intensyon ni Eli lalo na ang kuya niya.

Napangiti sa kanyang kaloob-looban si Mia.

Alam niyang ayaw pumunta ang lola niya dahil daw pakiramdam ng lola niya, nagbibinata ang matandang Don.

Naalala niya ng minsang banggitin niyang kinukumusta siya ng Don.

"Humarinawa yang matandang Eliseo. Ang tanda-tanda na nga, nag-aaktong binata."

Natawa siya. "Paano niyo nasabing nagbibinata, lola?" naaaliw na tanong niya.

Nasa kusina sila nuon at naghuhugas ng petchay ang lola niya para sa nilagang baboy na lulutin nila para sa panghapunan.

Tumigil ang lola niya saka hinarap siya. "Sabi ba namang pareho naman na daw kaming balo, pwede daw naming dugtungan ang aming kahapon?" nanggigilalas na bulalas ng lola Soling niya.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon