Chapter 18

804 22 1
                                    

Nakatulugan ni Mia ang paghihintay. Nagising nalang siya sa katok sa kanyang pintuan. Pupungas na bumangon siya at ang kanyang mga mata ay natuon sa maliit na orasan. Alas nuebe na pala.

TOK! TOK! TOK!

Sunud-sunod na katok muli at naupo sa gilid ng kanyang kama saka hinanap ng mga paa ang kanyang tsinelas.

Pagkasuot, agad siyang tumayo at saka hinila lang mula sa paanan ng kanyang kama ang manipis niyang roba.

"Andyan na!" malakas niyang sabi at saka mabilis na tinungo ang kanyang pintuan, sabay sunud-sunod na humikab.

Pagkabukas ng pintuan, nabungaran niya si Poling na nangiting-ngiti.

"Gandang umaga, Mia," masayang bati nito at inaantok na binati niya rin ito.

"Anong meron at parang may sunog kung makakatok ka?" tanong niya, ngunit wala namang iritasyon sa kanyang tinig.

Natawa si Poling.

"Andiyan po si Señorito," sagot niya at parang biglang nawala ang antok niya sa narinig.

Biglang nabaling ang kanyang mga mata sa mukha ni Poling na animo'y ang mga mata'y may pusong naglalabasan sa mga mata dahil sa kilig.

"Alas nueve palang ah?" kanyang nausal at saka biglang balik sa loob ng kwarto at nag-ayos, saka naglinis narin ng mukha at nagsepilyo. Nagsuot lang siya ng short jeans na hanggang tuhod at t-shirt. Saka pinusod ang kanyang buhok.

Nagpulbos narin siya kasi kahit na naghugas siya ng mukha, mukhang binudbudran ng langis ang noo at ilong niya.

Bumaba narin si Poling.

Nang makababa siya, nasa sala si Eli at kausap ang kanyang lola.

"...tumatanda iyang lolo mo at nagiging sakit ulo," anang lola niya.

Narinig niyang tumawa si Eli at napakasarap sa pandinig ang malamig, malalim nitong boses. Parang si Brad Pitt ang tono, kinikiliti ang kanyang tiyan. Isa iyon sa nagpahulog sa kanyang puso, idagdag pang napakaguwapo nga naman nito.

"Ganuon ho talaga pag nagka-edad na yata, lola Soling," komento ni Eli at narinig niya ang pagtutol ng lola niya.

"Ay hinde! Yang lolo mo lang ang habang tumatanda, lumiliit ang pang-unawa. Ibahin mo ako," protesta nito na agad namang sinang-ayunan ni Eli.

"Tama ka, lola. Sana'y kapareho niyong mag-isip ang lolo Eliseo ko."

Natawa lang si Mia. Saka nagdesisyong pumasok na sa sala.

"Oh, andito na pala ang apo ko." At tumayo si Eli na ang mga pagod na mga mata nakatitig sa kanya ng malagkit, at nakakalaglag naman nga ng puso. Lalo na ng pinaraanan niya ng kanyang mga mata ang kanyang mga hantad na binti. "Bat nangangalumata ka?" pansin ng kanyang lola at agad na nabaling ang kanyang pansin sa lola Soling niya, kayat nakaligtaan nito ang pagnanasang dumaan sa mga mata ni Eli.

Nakatayo na ang kanyang lola, at saka nilapitan siya at sinipat-sipat ang kanyang mukha.

Kunot-noong nakatingin siya sa lola niya, at nag-iinit ang mukha niya sa hiya.

Ipinarating niya sa lola niya ang pagkadisgusto sa tahasang pagsusuri sa kanyang mukha sa harapan ni Eli sa kanyang mga mata. Pinananlakihan niya ito, ngunit abala ito sa gingawa hindi pansin ang pagtitig niyang may laman.

Hinawakan pa ng lola niya ang kanyang mukha saka sinipat-sipat pakanan, pakaliwa.

"La, baka ho malagot ang aking leeg," nakatawang sabi niya ngunit medyo magkalapat ang mga ngipin, pinaparating na napapahiya siya sa bisita nila. Ngunit ganuon na talaga ang mga matatanda yata ng sinaunang panahon. Hindi nakakaramdam. "Hindi ka nakatulog kagabi na naman?" patuloy ng lola niya saka binitawan ang kanyang pisngi. Umikot ang kanyang mga mata.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon