Chapter 27

902 19 6
                                    


"Lord, bless the giving and receiving of these rings. May Groom and Bride abide in Your peace and grow in their loving union. May these rings become the symbol of their endless love and remind them of the holy covenant they have entered into today, to be faithful and loving always."

"Amen," sabi ng lahat ng mga bisita na ngayon sinasaksihan ang kasal ng kaibigan niyang sina Rosie at Tomas.

Katabi ni Mia si Eli at tulad ng ikinakasal, pinagtitinginan din siya ng mga lahat na anduon.

Kahit hindi yata mga imbitado, mukhang lahat ng taga Santa Monica ay naroroon.

"Ang init init," bulong niya kay Eli.

May hinugot ito sa pantalon nitong suot at ibinigay sa kanya.

Pasimpleng inamoy niya muna ito at napangiti siya. His masculine scent assaulted her nostrils, and she inhaled deeply. Saka niya pinunasan ang pawisang noo, ilong at leeg. Kahit ang likod niya, ramdam niya ang pawis na dumadausdos.

Puno ang malaking simbahan, at halos magsiksikan na ang mga tao.

Nagsasalita parin ang pari, at inip na inip na siyang matapos na para makalabas na sila at ng makahingang muli siya ng mabuti.

"Are you okay?" tanong ni Eli, at ramdam niya ang pag-alala sa masuyo nitong tinig na halos pabulong lang din.

Tumango lang siya.

Isiniksik niya sa kanyang maliit na bag ang medyo basang panyo at saka binigay muli ang atensyon sa ikakasal.

Pareho ng nagpalitan ng vows ang dalawa. And she smiled unconsciously. In a month, sila naman ni Eli ang ikakasal.

She'd been busy preparing for her own wedding. At sa likod ng mansyon nina Eli magaganap. He wanted it in the resort, pero hindi pinahintulutan ng lolo niya.

Nag-iisa daw siyang apo, he wanted it sa hacienda, at para malapit lang din sa mga trabahador. Malayo pa daw ang bibiyahehin kung sa resort, and she agreed.

She wanted privacy too.

The resort is always fully booked. And just last week, Sean Connery spent a week on one of the cottages, isa sa pinakamalaki nilang cottages sa itaas ng bundok, hidden in the forest, facing the water.

Nalaman din niya kay Eli that he was with someone, but the resort pledge to keep it confidential.

"I now pronounce you husband and wife," ang pari at biglang natigil ang paglalakbay ng kanyang isip.

Nagsisi siyang hindi nagbestida, dahil nararamdaman na niya niya ang pamumukol ng pawis sa kanyang noo at dibdib.

Nakapantalon siya ng hapit na itim at ang itaas niya ay puting halter neck na camisole, at may malaking ukab sa likod, baring half of her spine, tucked in her black capri pants, and she completed it with a 3 inches pin heel na itim din.

Buti nalang itinali niya paitaas ang lahat ng buhok niya in a bun, a few strands had somehow escaped which framed her small face, at ang iba ay tila tinutukso ang noo niya.

She only wore a few pieces of accessories. Ang bigay ni Eli na necklace, diamond stud na gold earring at saka relo.

Simple pero classy ang dating, and as soon as Eli saw her ng sunduin niya ito, he couldn't take off his eyes of her.

Biglang nagkagulo sa harap kung saan ang ikinakasal. Naguguluhang napatingin naman siya. Maraming nakikiusyoso at nainis siya.

"Aray!" malakas na tili ni Rosie at mabilis namang sumaklolo ang pamilya ni Rosie sa kanya. Pati siya, nakalimutan na ang bag at mabilis na lumapit.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon