Kinabukasan, nagising si Mia dahil na mainit ang pakiramdam. Nang magmulat siya, naramdaman niya ang pamimigat ng kanyang ulo, at ang pagdaluhong ng hilo. Pinilit niyang bumangon, at naramdaman niya ang pagsigid ng kirot sa kanyang sentido. Tila binibiyak ito, at lalong tumindi ang kanyang pagkahilo.Naalala niya ang mag nangyari kagabi, at ngayon, pinangsisihan niyang uminom pa siya.
Bakit naman kasi pag inumpisahan ang inumin, tila naman naadik agad.
First time niyang nalasing at nakatulog sa tanang buhay niya. Buti nga at hindi siya nagsusuka. Naalala niya ang kaibigan niyang si Bimby. Tuwing nalalasing iyon, laging nagsusuka.
Napansin niyang hindi na niya suot ang damit niya kagabi. Kunot ang noo at nagtataka kung sino ang nagpalit sa kanya.
"Poling! Tiya Auring!" lalong nanakit ang kanyang ulo dahil sa pagtawag sa kasambahay nila.
Tiningnan niya ang orasa. Pasado alas onse na ng umaga.
Oh God! Buti nalang wala siyang pasok ngayon.
Nasapo niya ang ulo at saka muling ibinagsak ang tila pagal na pagal na katawan sa kama, at saka pumikit. Medyo nakaramdam siya ng kaginhawaan, ngunit agad ding nawala.
Dala ito ng wala siyang masyadong tulog nuong isang gabi dahil halos magkasunod ang pasok niya, tapos uminom pa siya at anong oras na nakatulog kagabi. Kailangan ng katawan niya ng pahinga, at ngayo'y nga ay tila nagbabayad na ang katawan sa pang-aabuso niya.
Maya-maya'y, narinig na niya ang mga yabag ng taong papalapit sa kanyang kwarto.
"Mia!" tawag mula sa likod ng pintuan.
Ang kanyang mommy.
"Pasok, Mommy," sagot niya at napapikit siya ng mariin ng sumigid muli ang kirot sa ulo.
Sapo ang ulo na nakatagilid siya ng higa paharap sa direksyon ng pintuan.
"Anak, anong nangyayari sayo? Masakit ba ang ulo mo?" tanong agad ng ina ng makapasok sa kwarto niya.
Tila nakaramdam din siya ng panlalamig. Hindi dumudilat na sinagot niya ang ina. Naramdaman nito ang paglapit niya sa kanyang higaan, at ang palundo ng kama malapit sa kanya.
"Bad hang-over, mom."
Hindi niya matandaan kung papanong nakarating siya sa bahay nila.
"Alam ko," medyo paangil na sagot ng ina.
"Ayan, inumin mo itong juice at paracetamol at ng mawala ang hang-over mo. Nakakahiya kay Eli, kababae mong tao, nakatulog ka sa kalasingan mo," sermon ng mommy niya.
Pinilit niyang bumangon at kinuha ang basong puno ng juice na iniabot ng ina habang nagtatalak, at saka kinuha din ang gamot at ininom agad ito.
Mabilis ding binalik sa ina ang halos naubos niyang juice, saka muling humiga, at nagtalukbong.
"Buti nalang at si Eli ang naghatid sayo. Paano kung iba? Baka narape kana dahil tulog na tulog ka. Kahit ng buhat ka ni Eli at dinala sa kwarto mo, hanggang sa mapalitan kita ng damit, kahit yata may sunog, hindi ka magigising dahil tulog mantika ka," patuloy parin ng ina niya.
"Mom, can you postpone your tirade? Mamaya pag nawala na ang hang-over ko, kahit maghapon kang manermon sa akin," may himig biro at pagsusumamo ang kanyang tinig, at she just huffed.
"Ewan ko sayo. Sa susunod na uminom ka, yung sakto lang. May mga araw pa naman para mag-inom muli. Hindi iyong pang-isang taon mo na ang iyong ininom. Tila wala ng araw," patuloy ng kanyang ina at umikot ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romance"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...