Chapter 26

910 24 3
                                    

Lumipas ang mga araw, at kalat na sa buong Santa Monica ang pagiging magkasintahan nina Mia at Eli. Lagi ring abala si Eli sa darating na opening ng resort. At bihira narin siyang nasundo at hatid ni Eli sa trabaho, ngunit bumawi naman ito sa pagtawag kung hindi sila nagkikita sa araw.

Nalaman din niyang sa kanya nanggagaling ang mga bulaklak na natatanggap niya nuon dahil sa huling bulaklak na natanggap niya mula kay Eli. May nakaligpit ding maliit na card.

At nakalagay, 'I hope this makes your da, and makes you smile the same way the other flowers I sent you. I love you and I miss you.'

And it did. Lalong lumobo ang kanyang puso sa kaalamang hindi pala ito nakalimot and that he was just watching and loving her from afar.

Dumating ang araw ng opening ng resort...

Nakarating sina Mia at ang mga kaibigan niya sa resort. Sakay sa pang-pituhang van ni Lando. Tila sila mga sardinas na nagsiksikan sa puting van.

Nauna na ang mga magulang niya at ng kanyang lola. Inimbitahan din ni Eli ang iba nilang mga kamag-anak.

Nakahinga lang ng maluwag si Mia ng makalabas na siya sa van at kahit si Bimby at Rosie na panay ang reklamong nangangamoy sperm ang sasakyan sa buong biyahe, na tinawanan nalang ng mga boys.

Sa unahan si Bimby at si Lando ang nagmamaneho. Siya, si Rosie at Paw Paw sa gitna, at sa likuran sina Tomas at Rico.

Natigil din ang pag-aasaran nila ng mapansin ang pangalan ng resort.

Villa Maria Angela.

"Mia, pangalan mo yan ah!" ramdam na ramdam niya ang titig ng mga kaibigan at iniwasang tingnan ang isa sa kanila. She was staring out the window to hide her embarrassment.

At hindi niya maintindihan kung bakit nahihiya siya.

Halos naging kamatis na ang pula ng mukha niya dahil hindi siya tinantanang tudyuhin ng mga kaibigan niya hanggang sa makababa sila at nasa harap ng maluwang na driveway, sa harap ng gusali.

"Sabi ko na sayo, love he," si Lando kay Bimby. "Patay na patay parin si Eli kay Mia."

Inignora niya ang panunudyo ng mga kaibigan at saka inilibot ang tingin muli sa walang hanggang lupa with manicured lawn with tropical trees landscaped the area. Varieties of vibrant flowers balanced all the green surroundings, it looks like they were in paradise.

Hindi niya masyadong napansin nuon ang mga bulaklak cause she was mesmerized sa fountain. And sabi ni Eli, they call it the poseidon's fountain.

May mga kakarating ding mga bisita. Nakaline up ang mga sasakyan, ang some of the vehicles left as soon as they dropped off their passengers. At mga mamahaling sasakyan ang nakalinya sa mahabang driveway, and on the farthest right side ay may parkingan din na halos puno ng sasakyang magagara.

Napansin niyang halos lahat naka-outfit ng pang summer.

Buti nalang nakinig siya sa kaibigan. She was supposed to wear a pair of jeans and sleeveless top na may kwelyo.

Lahat silang magkakaibigan ay nakapanligo na natatakpan lang ng shorts at sports shirts samantalang bestida naman sa mga kababaihan.

Nakabestida siya, a floral dress that has a very vibrant color na hanggang hita at sa loob nito'y pangligo niya na siya ring ginamit nuon kasama si Eli na naligo sa cottage nito. Nag-iisa lang ang pangligo niya so wala naman siyang pagpipilian.

Pumasok sila sa bulwagan at halos puno na ito hanggang sa likuran kaharap ng dagat ng mga bisita. Mga business associates ni Leonardon Mondragon, mga elitista, at mga kakilala ni Eli.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon