Seven years later...
"Ano, nakapagpasya ka na ba, Mia?"
"Oo na! Dadalo na ako, Tomas. Ang kulit mo!" pairap na pagsuko niya sa pangungulit ng kaibigan at masugid na manliligaw.
"Kasi naman, ako nalang mamaya ang walang partner!" parang batang maktol nito ng may paglalambing, saka sinundan siya ng bumalik siya sa kusina upang ilagay sa lababo ang mga pinag-inumang baso.
"Eh ano ngayon kung ikaw lang ang walang partner," nilingon niya ito at muling ibinalik ang tingin sa dinadaanan, "hindi mo naman siguro iyon ikakamatay," sikmat niya rito saka tumuloy sa lababo habang naglilitanya parin. "Kung si Lily kasi ang inanyayahan mo, di may kasama ka?"
"You know hanggang kapatid lang ang turing ko duon, Mia," pag-uulit nito, siyang palagiang irarason tuwing ipapaalala na nagkakagusto sa kanya ang anak ng isang guro sa dating eskwelahan nila nuong elementarya. Malaki ang pagkakagusto ni Lily dito at hindi lingid iyon sa mga taga rito.
Binuksan niya ang gripo saka hinugasan ang mga baso habang nakikipag-argumento parin kay Tomas.
"Kung sagutin mo ako ngayon, sige pagbibigyan kita. Atleast alam kong may nobya ako, kahit na wala akong partner bukas ng gabi," tukso nito ng may bahid kaseryosohan, at inirapan niya ito saka binanlawan ang sinabunang mga baso.
"Tigil-tigilan mo ako, Tomas. Masarap ang walang sabit," wika niya ng may halong pagbibiro.
"I know, pero mas masarap pag ikaw na ang girlfriend ko, mas walang kasing-sarap pag asawa na kita," giit nito ng may panunudyo ngunit dama parin ni Mia ang katotohanan at kaseryosohan sa tinig nito.
Umiling-iling siya. "Ewan ko sayo, Tomas. Pahingi naman ng pasensya, napakahaba kasi ng saiyo," pabirong wika niya. "Hanggang ngayon, umaasa ka parin." Ganun lagi ang direksyon ng usapan, dinadaan nalang niya sa biro dahil hindi niya alam kung papanong ipaintindi kay Tomas na hanggang duon nalang talaga ang kayang niyang ibigay.
Nagsara na yata ang puso niya. Napakamanhid na.
At naawa narin siya kay Tomas.
"So wala ka talagang balak bigyan ako ng tsansa, kahit ilang buwan lang? Probationary period ika nga nila?" may konting hinanakit na pabirong saad nito at naguilty naman siya.
Gusto niyang mahalin din ito. Kaya nga hinayaan niyang ligawan siya nito. Binigyan niya ng oras si Tomas. Gusto niyang ito ang magbubukas muli sa kanyang pusong sumara at namanhid, at siya rin ang gusto niyang magpagaling sa nasugatan niyang puso. Ngunit ilang taon ang lumipas, hindi parin niya natuturuan ang pusong mahalin ito bilang isang lalake sa buhay ng isang babae.
At nawalan na siya ng pag-asang maturuan niya ang kanyang puso. Napagdesisyonan niyang maging totoo kay Tomas. Ayaw niyang pahabain pa nito ang panliligaw at sayangin ang oras at taon sa kanya, sa halip sa ibang babae nito ibaling. Ngunit matigas ang ulo ni Tomas.
Naniniwala paring mapapa-ibig siya.
"Mia!" narinig niyang tawag ng lola niya na parating mula sa pinanggalingan nila ni Tomas, mula sa sala.
Tumulong naman si Tomas sa pagtuyo sa mga hinugasan niyang baso gamit ng malinis at maliit na tuwalya.
Pinatay ni Mia ang gripo saka nagtuyo ng kamay. "Bakit, La?" sagot nito sa matanda saka umikot paharap sa pintuan sa kusina.
Pumasok sa kusina ang lola niyang si Soledad, mas kilala sa lahat bilang si Soling. Nasa edad pitumput-lima na ito at medyo malakas-lakas pa. Napakaliksi din nito.
"Oh, andito pa si Tomas," wika nito ng makita ang kaibigan niya.
"Hi, Lola Soling," malambing na lumapit si Tomas, hawak sa isang kamay ang panuyong tuwalya habang ang isa ginamit sa pagmano.

BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romantizm"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...