Mula sa itaas ng kwarto ng Don, nakatanghod siya mula sa bintana at kitang-kita niya ang pangyayari sa kanilang hardin. Anduon na ang pari na magkakasal sa apo niya. Nagsidatingan narin ang ibang bisita at ngayon ay nasa maluwang at nadedekorasyonang hardin at nagkukwentuhan, tawanan, at ang iba'y anduon upang makiusyoso.
Wala naring nararamdaman na pagtutol sa mangyayari si Don Eliseo. Tila nakaukit na sa papel na magiging isang pamilya na ang Prieto at Montenegro. At ngayong araw ang pagkakaganap ng sumpang iyon.
At mula sa kanyang kinatatayuan, pagtingin niya sa kalayuang parte ng pag-aari niya, walang hanggang lupain na hindi patag, pataas pababa ang lupa; ekta-ektaryang tubuhan at cacao. May palayan din at maisan na umabot halos hanggang sa kabilang bayan.
Lumaki lalo ito ng mapangasawa niya si Emmanuela. Mayamang pamilya rin ang San Vicente.
Sa kabilang parte na nahahagip ng paningin niya ay ang malaking horse track, at ang mahabang kwadra. Pinalaki pa ito lalo pagkabalik ni Eli, at katatapos lang na nagawa ang ilang parte upang bahayan pa ng ilang mga kabayong bibilhin ng apo upang pagyamanin ang pagbibreed na galing pa ng ibang bansa.
Nakarinig siya ng katok mula sa kanyang pintuan at ni hinding lumingon at malakas ang boses na pinapasok ang sinumang nasa likuran ng kanyang pintuan.
"Pasok!"
Narinig niya ang pagbukas ng pintuan. "Panyero," boses ng kaibigan niyang si Loreto at saka ang langitngit at pagsara ng pintuan.
Napangiting tinalikuran ang tanawin mula sa bintana at sinalubong ang kaibigan. Hindi na siya masyadong umika-ika, ngunit nakasanayan na niyang gamit ang baston. Tila parte na ito ng kanyang katawan.
"Dito ka lang pala nagtatago," nakatawang saad nito saka nagyakapan ang dalawa.
Halos magkasing-tangkad lang sila ng kaibigan niya simula elementarya.
Isa itong retired private investigator, nagtatrabaho dati sa NBI.
"I was watching through my window," sagot niya saka dinala sa connecting room kung saan ang kanyang sala at ang TV niya. Nakakonekta din ito sa malaki niyang balkonahe at sa nakaharap sa silangang bahagi ng lupa niya.
Tulad niya, nakasuit and tie ang kaibigan niya. Nakikita narin ang ilang linya na nagbibigay ng kaalaman sa tunay nilang edad sa gilid ng mga mata, sa noo, at malapit sa labi.
"Looks like a beautiful day, at nakikiayon ang panahon," payapa ang ngiti ng kaibigan saka umupo sa pangtatluhang sofa at ang Don ay umupo sa kaharap na pang-isahang sofa. May maliit na mesa sa harapan nila.
Maluwang ang tila receiving room, may dalawang malalaking antigong gusi na may disenyong bulaklak at matingkad ang iba't-ibang kulay na ginamit. Malaking telebisyon na nasa itaas at nakapatong sa sementong mantel, sa ladrilyong dingding.
"Oo nga," pagsang-ayon niya saka ibinaba sa gilid ng umupuan niya ang kanyang baston.
"Gusto mo ng kape o tsaa?" tanong niya sa kaibigan at umiling agad ito at may kinuha sa loob ng bulsa ng amerikana nito.
"Nagkape na ako sa ibaba. May magandang balita ako sa iyo," saka iniabot sa kanya ang ilang papeles na nakarolyo.
"Ano ito?" nagtatakang tanong niya saka ibinaling ang tingin sa papel at binuksan at binasa. An statement.
"It will take time before you will read all of it. Sabihin ko na ang nilalaman bago pa man mag-umpisa ang seremonyas ng kasal," walang pasakalyeng umpisa ng kaibigan niya. Itinukod nito ang dalawang siko sa magkabilang hita, sinandal ang buong bigat sa hita.
"Nakonsensya na yata ang asawa ng driver ng sasaktang nakabundol sa sinakyan ng mga anak mo. Naalala na ng asawa ang pangalan. At iyon ang asawa ni..." nilingon nito ang paligid upang siguruhing walang makakarinig sa kanila.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romance"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...