Nang magmulat ng kanyang mga mata si Eli, unang nabungaran ng kanyang paningin ay ang kulay rosas na kumot, at ang pagsalakay ng matamis, nakakahalinang bango na alam na alam niya kung kanino.
Bigla siyang napabangon at saka pinaraanan ng kanyang mga mata ang paligid. Naalala niyang nasa banyo si Mia at naliligo.
Wala siyang naririnig sa kwarto, at mabilis nitong binalingan ang maliit na despertador na nasa ibabaw ng lamesita.
Pasado alas dose?
"Shit!" wala sa sariling mura niya at dali-daling bumangon. Saka niya napangsing nakakumot siya.
Napansin niyang tahimik ang kwarto ni Mia.
Saka naman kumalam ang kanyang sikmura.
Wala pa nga siyang kain simula kagabi. Dahil gusto nyang makauwi ng maaga, ngunit nawalan siya ng gasolina at naghanap pa ng pagpapagasolinahan. Kaya't naantala ang pagdating niya ng isang oras.
Mabilis siyang bumaba ng kama, saka isinuot ang sandalyas na pinahiram at mabilis na lumabas ng kwarto.
Tahimik ang buong kabahayan, at muntik na niyang masuntok ang sarili dahil as katangahan niya. Sa sobrang pagod niya at walang maayos na tulog, naidlip siya sa kakahintay kay Mia.
Nakarinig siya ng kaluskos at sinundan ito, nakarating siya sa lanai, karugtong ng sala nila.
Parihaba ito, at nagdudugtong din sa verandah, halos paikot ng kalahati ng dalawang palapag na bahay nila Mia.
Colonnial ang style ng bahay nila. Mayroon ding terasa o balkonahe na nakapaikot, at magkarugtong sa tatlong kwarto sa itaas na palapag.
At lahat ng mga nakikitang mga muwebles ay mga antigong minana pa nila sa kanilang ninuno.
"Mia!" tawag niya habang papalapit sa pintuan na de salamin ang kalahating bahagi sa itaas. Hinila niya ang bahagyang nakabukas na pintuan saka niluwagan ito at lumabas.
Nadatnan niya itong nag-eehersisyo.
Nang makalapit siya, saka lang siya nito napansin.
Tumigil ito sa pagtatalon at saka pinunasan gamit ng likod ng kanyang palad. Nakamanipis itong blusa at itim na hanggang tuhod na cotton short na humapit sa binti nito.
Nangingintab ang kayang mukha dahil sa pawis na tumutulo. At ang kanyang blusang puti ay basa rin sa dibdib kaya't natatanaw niya ang itim nitong bra.
Bigla siyang napalunok. She looked rather ravishing in her drenched state. Sweaty look and yet it looked even more sinful. Parang tunaw na tsokolate ito sa kanyang paningin and he was tempted to lick her sweat dry, from her forehead down to the valley of her breast.
Naramdaman niya ang biglang pagragasa ng init pababa at tumigas ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya. Biglang iniwas niya ang tingin bago pa man mawala ang kayang tamang pag-iisip.
"Pasensya na, nakatulugan kita," kanyang nasabi at narinig niya ang mahina at matamis na tawa ni Mia.
Kunwa'y tumingin siya sa mga magagandang bulaklak na nasa paligid nila, at nagbibigay ng masarap na pakiramdam. Nalalanghap din niya ang amoy ng ilang-ilang sa di kalayuan, at naalala nitong iyon ang amoy ni Mia.
"Halika na, alam kong gutom kana. May naiwan pang hapunan, ipaghahanda kita," ani Mia at saka nagpatiuna ng naglakad, ang gamit nitong panluksong lubig, hawak sa isang kamay, pinagbuhul-buhol lang.
Napalunok siyang muli ng mahantad sa kanyang mga mata ang ganda ng hugis ng katawan ni Mia. Dumikit kasi sa likod nito ang manipis na blusa dahil basa ito sa pawis.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romance"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...