Chapter 20

844 22 0
                                    

Akala niya, hindi na magpapakita si Eli sa kanya pagkatapos ng nangyari nang ihatid siya. Nagulat siya ng bigla itong sumulpot sa lobby ng ospital at hinihintay siya.

Gustuhin man niyang iwasan ito, ngunit huli na. Nakita na niya siya na paparating. Tinanguan lang niya ang isang nurse na nag-exit rin, saka walang kangiti-ngiting hinayaang lumapit si Eli.

Bitbit ang bag niya at isa pang bag kung saan nakalagay ang mga journals niya at mga charting notes, para siyang tuwid na tuwid na kahoy sa gitna ng maluwang na pasilyo sa bulwagan ng malaking ospital.

"Mia," alanganing sabi ni Eli at ngumiti ito ng maluwang kahit na kumakabog din ang kanyang dibdib sa kaba. At sa nakikitang kapormalan ng mukha ni Mia. "Ako na ang mag—"

"Darating na si daddy upang sunduin ako," pagsingit nito ng hindi siya pinatapos at saka tuloy-tuloy na itong lumabas ng ospital. Para namang maamong tupang sumunod si Eli.

"Mia, I'm sorry. Hindi ko intensyong pahiyain ka. Hindi ko alam na mag-eeskandalo rito si Camilla, and she lied to you. Matagal na kaming hiwalay," giit ni Eli habang nakasunod parin kay Mia.

Hindi alam ni Mia kung papaniwalaan pa niya si Eli. Nagtatalo ang kanyang kalooban, ang puso't isipn niya. Sa kanyang puso, naniniwala siya na nagsasabi ito ng katotohanan, at nakikita niya ito sa mga mata niya.

And Eli was disappointed at himself for putting her into the situation, and yet couldn't protect her.

Camilla and her family already had done things to ruin her, kaya hindi siya magtataka kung nagsisinungaling ito.

But in front of Eli, bakit hindi niya ito kinontra? Rinig ng maraming tao ang sinabi niyang asawa niya ito, which made her look like a mistress.

Bakit hindi niya itinanggi?

And for sure, kalat na naman sa buong Santa Monica na si Maria Angela Prieto ay kabit ni Elijah Benjamin Montenegro. She didn't care now actually. Kahit pa anong sabihin ng mga tao sa kanya.

For the past years, she had gained a tougher and thicker skin. At wala ng kahit na anong salita ang magpapawala na naman sa kanyang self-esteem.

"Mia, please. I'm so sorry. Kinausap ko na si Camilla na huwag ka ng ligaligin. Na tantanan na niya ikaw. Sisiguraduhin kong hindi na ulit iyon mangyayari," nakikiusap na sabi ni Eli.

Tumigil siya sa hagdanan, saka nilingon si Eli. Wala pa ang kanyang ama.

Nakita niya ang lambong sa mga mata ni Eli, at parang kinurot ang kanyang puso. "Eli, hangga't nandiyan si Camilla, hindi rin tayo matatahimik. Bakit kasi hindi mo nalang siya balikan? Besides, pinili mo siya nuon," aniya ng walang emosyong nakabanaag sa mga mata.

Bigla namang natilihan si Eli. Natakot sa binabadyang katahimikan sa mukha ng dalaga. Sa kalmadong mga tinig nito. Kalamigan at kapormalan.

Kahit hindi nito diretsahang sinabi na ayaw na nito sa kanya, iyon ang ibig sabihin ng mga binitawang kataga. Para namang pinagbagsakan siya ng mundo sa katotohanang hindi na siya mapapatawad ni Mia, at hinding-hindi na siya makakapasok muli sa puso nito.

Naramdaman ni Eli ang pangingilid ng kanyang luha. "I'm sorry, Mia. I'm sorry," halos gumaralgal ang malalim niya boses, may piyok din sa buo nitong boses. Lumunok siya ng maigi dahil pakiramdam niya, may malaking bukol na nakabara sa kanyang lalamunan. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang leeg dahil pakiramdam niya, hindi siya makahinga.

Kay bigat ng kanyang dibdib, at naguho ang lahat ng pangarap niya kasama si Mia. At lahat ng pag-asa biglang umurong mula sa kanyang katawan. Hindi niya kayang tanggapin. Hindi niya alam kung paano siya mag-uumpisa ng wala si Mia.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon