Chapter 8

944 30 5
                                    

Pumunta si Mia sa departamento ng mga engineering. Gusto niyang makita si Eli. Inignora niya ang mga humahangang tingin na galing sa mga kalalakihan na humahabol sa kanya.

Tatlong araw na niyang hindi ito nakita, at baka kung ano ng nangyari dito.

Dumaan siya sa gusali ng arts and business. Nakita niya si Tomas na nakasandig sa isang haligi ng gusali, na gawa sa semento. Nasa main floor sila at kausap nito ang mga kaibigan nila at kaklase sa minor subjects.

"Tomas," tawag niya ng makalapit siya.

Agad namang ngumiti si Tomas saka parang nagliwanag ang mukha ng makita si Mia.

Dali-dali itong nagpalaam sa kanyang mga kaibigan at sinalubong si Mia.

"What are you doing here?" tanong niya.

Alam ng mga kaibigan nila ang patagong relasyon nina Mia at Eli. Kaya't tuwing nagpapasahan sila ng mensahe, kay Tomas o dili kay Lando.

Magkadugtong ang mga classrooms nina Tomas sa Engineering. At sa iisang gusali ito. Mataas at mahaba ito.

Nang tuluyang nakalapit si Tomas, Inakbayan siya nito saka iginiya siya sa isang upuan medyo malayo sa gusali, na nasa ilalim ng mangga. Gawa ito sa semento at may mesang nasa harapan nito. Alam niyang ayaw na ayaw ni Eli ang pag-aakbay akbay ni Tomas, ngunit wala naman iyon kay Tomas, kaya't hinayaan nalang niya ito.

"Hindi ba pumasok si Eli, Tomas?" tanong niya ng masigurong malayo na sila sa mga pangkat ng mga estudyante. May nga matang nakasunod sa kanila, ngunit inignora lang nila ito. Si Tomas, minsan, binibigyan ng malanding ngiti ang mga babaeng bumabati rito.

Hindi niya akalaing may kalandian din si Tomas. Wala naman siyang naririnig na nililigawan nito o naging katipan.

Pinaupo siya ni Tomas sa sementong bench. At nakatayo ito sa harapan niya, na ang mesa lang ang namamagitan sa kanila.

Nakatalikod si Tomas sa gusali kung saan ang mga estudyanteng nagkalat, at nagpangkat-pangkat na nasa maluwang na hallway. Ang iba'y nakaupo sa hanggang beywang na taas na pader habang nagkukwentuhan.

"Pumasok. Nasa gym, naglalaro ng basketball kasama sila Lando," paliwanag nito. "May gusto kabang sabihin sa kanya?" tanong ni Tomas.

"Pakisabi na gusto ko siyang makausap," may bigat ang dibdib niyang sabi. Alam niyang iniiwasan siya ng binata.

Tatayo na sana siya at magpapaalam na ng mahagip ng tingin niya si Lando na nakasabit sa balikat ang puting uniporme ng San Vicente College, at tanging white-tshirt ang suot na pareha ng itim na slacks.

Dumagundong ang kanyang dibdib sa excitement na naramdaman. Makikita na niya si Eli.

Si Tomas naman, nakangiting nakatitig sa maamong mukha ni Mia. Hindi na nito napansin ang pagbabago ng mukha ni Mia.

Dumukwang siya upang bulungan ang dalaga at hindi man lang gumalaw si Mia. Nakatingin ito sa estudyanteng nasa likuran nila.

"Kung ako si Eli, hindi kita hahayaang pupunta rito at magkakaroon ng maraming kakumpitensya," pabirong usal nito at nakaringgan lang iyon ni Mia.

Ang kanyang buong atensyon ay na kay Eli. Ngunit napawi ang ngiti at excitement ng sa wakas na makita si Eli, at ang tawa ay nawala ng makita siya at si Tomas.

Nakasunod kay Lando at nakikipagtawanan sa mga kasamahan din nila si Eli, ngunit ng makita siya, parang natuod ito sa kinatatayuan at saka may sinabi sa kaibigan bago ito tumalikod bago siya binigyan ng isang galit na titig.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon