Dumating ang araw ng kasal at tila binabagabag si Mia ng kung ano, pero hindi niya maisip, bakit tila kabadong-kabado siya. Pinilit niyang iniignora ang nararamdaman.Wedding jitters ika nga nila. And right now, she is experiencing it.
Hindi na niya pansin ang pangyayari sa loob ng kanilang bahay. Hindi magkamayaw ang mga tao sa bahay nila habang naghahanda sa seremonyas ng kasal, ilang oras nalang ang nalalabi.
Nasa harap siya ng kanyang tokador at mula sa salamin, nakangiti ang kaibigan ni Paw Paw na si Gemma, ang make-up artist niya. Nakaroba lang siya ng puti na may imprintang bride sa likod nito, at tumatakip sa katawan nitong natatakpan lang ng pangloob.
Alas-onse ang umpisa ng seremonyas para mabigyan ng oras ang mga ikakasal at mga bridesmaid na maghanda at magpaganda.
Alas-sais palang, nagising na si Mia at hindi na siya nakapag-agahan dahil sa sobrang abala. Hindi rin siya nakatulog ng maigi dahil sa mga magkakahalong emosyon, tuwa at kaba.
Eli had been unbothered with all the negativity around us, but he's always there throughout the process, throughout the preparations.
"Ang ganda ganda mo, Mia! Lalong tumingkad ang iyong diyosang kagandahan!" napatingin si Mia sa salamin at napangiti siya. Binigyan niya ng isang nagpapasalamat na ngiti si Gemma mula sa salamin at itinutok muli ang kanyang paningin sa gawa nito.
Her curled hair was swept up at the back of her head in a french bun, leaving a few curly tendrils that teased the sides of her cheeks, and it framed her small heart shape face. Light lang ang make up niya, but it brightened her face. Tila diyamanteng kumikinang, glowing like her eyes that's full of spirit. Nangingislap ang mga mata niya dahil sa walang pagsidlang kaligayahan.
She didn't recognized the woman in the mirror, but the eyes that lit up like a brilliant diamond under the light in midday gave away.
"Salamat, Gemma. I looked different," aniya at nakangiting sinalubong ang mga mata ni Gemma na puno ng pagmamalaki. "You did well." Puri niya na ikinangiti ng maluwag ng kaibigan ni Paw Paw na may-ari din ng salon sa Sentro.
"Salamat at nagustuhan mo. Now, isuot mo na ang traje-de-boda mo," excited nitong sabi at natawa na tumango si Mia. "Iiwan na kita at tatawagin ko na ang mommy mo upang tulungan ka sa damit mo," sabi nito at saka sinalansan ang mga gamit at nilagay sa malaking make-up bag nito.
Pinaraanan niyang muli ng nakangiti ang mukha niya mula sa salamin ang she grinned blissfully. She loved what she is seeing. A face filled with overwhelming happiness and contentment.
Akmang huhubarin na niya ang Robang suot ng pumasok sina Paw Paw at Bimby and they both looked glowing too. Nangingislap din ang mga mata sa kasiyahan para sa kanya. Agad niyang isinuot at inayos ang Roba saka pinagsalikod ang gilid at itinali habang papalapit siya pasalubong sa kararating na mga kaibigan.
Nakakulay rosas na bridemaid na gown si Paw Paw at dahil si Bimby ang maid of honor niya, nakaberdeng gown ito.
Hinayaan ko siyang mamili ng kulay na gusto niya. And Bimby loves green.
"Oh my God! Ang ganda ganda mo!" bulalas ni Paw Paw pagkapasok nito, at napahawak pa ito sa bibig dahil sa pagkamangha. Natawa naman siya sa reaksyon ng kaibigan.
"Salamat," sagot niya, saka pinukol ng nakangiting tingin si Gemma na isinasara ang bag nito. "Your friend is a magician. She turned an ugly duckling into a swan," pagbibiro niya saka nagyakapan sila ni Paw Paw na nagtatawanan.
Sa isang buwan din ang kasal nina Paw Paw at Rico dahil hihintayin nila ang pag-uwi ng kapatid nitong galing Canada.
"Congratulations ulit, Mia. Iiwanan ko na kayo," paalam ni Gemma.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romance"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...