Chapter 21

815 22 0
                                    


"Does she really have to, iho?" malumanay na tanong ng ina ni Camilla, ngunit may talim ang nakapaloob sa tono nito.

Her red painted nails drumming quietly on the table, next to her utensils.

Tinitigan ni Eli ang ginang. She was sitting frigidly sa kinauupuan nito. Her back straight like a ramrod. Parang queen na animo'y pag-aari ang nasasakupan.

Ngumiti ng patuya si Eli saka dahan-dahang pumasok sa loob. Katahimikan ang sumunod na namayani at tumataas din ang level ng tensyon habang palapit siya sa mesa. With his height and built, he's already intimidating, idagdag pa ang matigas na anyo nito, he looked like a predator, ready to eat his prey alive.

Halos walang humihinga sa mga naroroon, except his grandfather who was staring at him with suppressed anger. Pero dahil sa nakikita niyang nakabadhang nag-aalab na galit, hindi niya gustong salubungin ng apoy ang apoy.

"Nagkamali siya, Mrs. Gonzales," aniya sa matalim na tinig. Hindi na nito tinawag na tita, o kahit ang pangalan nito bilang paggalang. He wanted to send her the message that he's not to mess with anymore, and she has no control over him. Those days are gone. "So she had to apologize. Isn't that is what we are supposed to do kapag nakasakit tayo ng tao?" may talim ang bawat salita ni Eli ngunit nanunuya ang tono. So unlike of him.

That's when everyone in that room figured out, the boy was now a formidable man, uncontrolled and ruthless.

Umilap ang mga mata ng ginang, ngunit may talim ito. "She didnt—"

"I came here to apologize... only to you," singit ni Camilla mula sa hindi nasisiyahang tono ng ina, at walang kurap na nakatitig kay Eli.

Nawala ang nanunuyang ngiti ni Eli. Tumiim ang mukha at naggalawan ang mga muscles sa mukha yet his eyes devoid of emotion.

"Why? Thank you, Camilla!" patuyang sagot ni Eli. Tumalim ang tingin nito sa dalaga, at marahas na napasinghap si Camilla. The way Eli said the words, there was a warning behind it.

"Eli, stop. Kakain na tayo, and I hope you will respect our guest," may babala ang tinig ng Don ngunit it wasn't as confident as before.

Eli swung his gaze at his grandfather, and the way he looked at him, he was begging. Tumaas ang isa niyang kilay, at nagtagisan sila ng titig. His grandfather gave in.

At nakita niya ang paglamlam ng mukha nito as he looked away, at parang tumanda ito ng sampung taon. A sudden pang of guilt tugged at his heart.

He drew out an exasperated breath, at walang salitang umupo siya sa kabilang sentro ng mesa. He didn't want to sit facing the people he loathed with all the fibers of his body.

Tahimik silang kumain. Walang gustong bumasag ng katahimikan. Kahit ang mga katulong, halos ayaw pumasok sa komedor kundi lang kailangan nilang pagserbihan ang mga naroroon.

Tila naman reyna si Camilla kung makapag-utos, isama pa ang ina nito. They thought they had won.

Don Eliseo was still quiet. The tensed silence was eerie, only punctuated by the sounds of utensils being connected with the plates every now and then.

Nang matapos silang kumain, napagdesisyonan ni Eli na sa opisina niya na dating opisina ng lolo niya katabi ng librarya siya magpapalipas ng oras. Hindi na nagpaalam kung saan siya pumunta. Narinig niya sa kanyang lolo na sa portiko sila magkwentuhan bago siya nakalayo sa komedor.

Ginugol niya ang oras sa pagtatrabaho. At pinag-aralan ang disenyo ng mga cottages na itatayo sa bago niyang investment.

Malalim na ng gabi ng makaramdam siya ng pananakit ng likod, at pansamantalang nawala ang isip sa lahat ng bagay na lumiligalig sa kanya. At nakaiwas siya sa mga pamilyang unti-unti na niyang kinamumuhian.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon