Ilang minuto lang ang nakalipas at bago nag-umpisa ang programang ini-organisa ni Roman, dumating si Tomas kasama bitbit sina Lando at Rico at ang mga kapareha nila. Lalong lumakas ang tawanan sa loob ng medyo may kalakihang silid.Halos nasa dalawampu't apat ang mga bisita na dumalo kasama na sila.
Pagkatapos ng kainan, may mga palaro na sumunod. Si Ramon ang nag-organisa. Kaya't puro tawanan ang pumuno sa buong silid. Mula sa pagputok ng lobo, trip to heaven, changing diapers na puro lalake ang participants, iba pa.
"Ayan na malapit na!" malakas na hiyawan at kantyawan, at nakipagsabayan din naman sina Mia at Bimby sa tawanan ng lahat. Magkatabing nakipapanood at hindi nakisali sa palaro na ang tawag ay 'lick me baby' kung saan ang partners na babae ay nakaupo sa upuan na nakalinya ng pasirkulo. Ang mga asawa o boyfriends o partners na lalake ay nakaluhod at dinidilaan ang vanilla ice cream na nasa maliit ma plato na nasa hita ng mga kaparehang babae.
May anim na participants.
Kay Tomas nakacheer ang lahat dahil nga sila ang special guests sa party na ito.
"Kaya pala nabuntis mo agad si Rosie, Tomas!" malakas na kantyaw ni Lando na nakatayo malapit sa gitna kung saan ang malapit sa mga naglalaro, at naghagalpakan ang lahat.
Nakangising tumingala si Tomas kay Lando, may nagkalat pang icecream sa gilid ng mga labi. Tawanan muli sila.
At dahil nga sila ang pinakaimporteng tao sa okasyong iyon, ang mga participants were very nice to let Tomas win.
Mia was so happy for them, at ang guilt na nararamdaman niya, pity and other negative things, nawala ng lahat ng iyon. Seeing now how happy Tomas is, she'srelieved, and happy for them too.
Pagkatapos ng laro, nagpasalamat si Tomas with matching bow pa, saka hinapit sa beywang si Rosie and they shared a lingering kiss.
Lalo tuloy umugong ang kantyawan at hagikgikan.
Nakaramdam siya ng konting panibugho sa dibdib sa kasiyahang nakikita niya. Ang kaligayahang nakikita niya sa mga kaibigan ay tila isang asido na inihasik sa kanyang puso at nagdulot ito ng hapdi sa katotohanang hindi siya yata susuwertehin sa pag-ibig. Pinapamukhang magiging matandang dalaga nalang yata siya.
Dumaan ang kanyang mga mata sa mga kaibigang kay luwang ng mga ngiti. Si Paulina o Paw Paw ay engaged na kay Rico. Kamakailan lang nagproposed si Rico, at kasama silang lahat na magkakaibigan na sumasaksi sa pag-oo ni Paw Paw.
Inalis niya ang tingin kay Paw Paw at Rico na naglalambingan at tumigil iyon kay Bimby na ngayon ay kasinglaki ng tiyan ni Rosie ang kanyang tiyan. Naunang lang ng ilang linggo si Rosie, bago siya nabuntis rin.
Kita sa mga mukha nilang mag-asawa ang saya at ng ibahagi ang balitang buntis ito ilang buwan ang nakalipas, lahat, lalong-lalo si Mia ang sobrang masaya para sa dalawa.
Matagal narin nilang magkagustong magka-anak.
While she?... she's still single. Ang perhaps will stay single forever. Hanggang maging anti nalang siya.
Nagulat siya ng bigla siyang siniko ni Bimby. "Are you okay?"
Bigla naman siyang napatitig rito at nagtatanong ang mga matang tinitigan ang kaibigan. "I'm fine," aniya na pinagaan ang tono saka ngumiti.
"Don't lie to me, Mia. Sa tagal na nating magkakaibigan, I know when you're lying or not. Halos maiiyak kana kanina, I've been watching you," anito. May gumuhit na pag-aalala sa mga mata nito.
"Naisip ko lang..." bigla siyang nahiyang sabihin ang saloobin, ngunit naghihintay ng kanyang sasabihin si Bimby. Ipinilig nito ang ulo na sinasabing 'na ano?'. "Na magiging matandang dalaga yata ako."
BINABASA MO ANG
Dugtungan Natin Ang Kahapon
Romance"Mia, give me a chance to make it up sa lahat ng pagkukulang ko. Itama ko ang aking pagkakamali at pawiin ang mga sakit na hindi ko sinasadyang ibigay sayo. Let me heal the wounds that I've caused you." - Elijah Benjamin Montenegro Akala ni Mia na a...