Chapter 10

916 19 0
                                    


"Ang sakit-sakit, Jimmy. Para akong pinapatay," hagulgol niya. Sa oras na iyon, parang nakahanap siya ng kakampi sa katauhan ni Jimmy.

Yumugyog ang kanyang mga balikat, at ng niyakap siya ni Jimmy, hindi siya tumutol. Ang kanyang isip ay ang katotohanang engaged na si Eli kay Camilla. And she's just a history.

Right now, kahit pa sinong tao ang naroroon just to listen to her wailing, crying her heart out, she will take it.

Wala sa sariling isinandal niya ang kanyang ulo sa dibdib niJimmy, at inilabas ang lahat ng sama ng loob. Tahimik lang na nakikinig si Jimmy. He said nothing.

Umiyak siya ng umiyak sa dibdib ni Jimmy habang naglalabas siya ng lahat ng kanyang hinanakit. "Shhh... Mia," for the first time nausal nito. Ramdam niya ang simpatiya nito, ang awa sa kanya that she made her feel even more down. Walang kapaguran ang kanyang mga mata sa kalalabas ng luha.

Hindi na alintana na si Jimmy ay matalik na kaibigan ni Eli. Sa oras na iyon, kahit sinong magbigay ng suporta, tatanggapin niya dahil pakiramdam niya, sasabog siya pag hindi mailabas ang nararamdamang sakit.

At tahimik namang nakasuporta si Jimmy. Hinaplos-haplos ang likod niya at hinayaan siyang umiyak.

Nang matapos siya, at medyo kumalma, wala sa sariling humiwalay siya sa binata ngunit hindi siya tuluyang binitawan ni Jimmy. Hindi niya pansin ang matiim nitong titig dahil ang kanyang atensyon ay ang nabasa niyang damit nito.

"Sorry, nabasa ko ang damit mo," nahihiyang singhot niya. Inignora iyon ni Jimmy.

"Mia," masuyong tawag sa pangalan niya at ng tumingin siya rito, bumaba ang labi nito sa kanyang labi at bigla siyang natulos sa kanyang kinatatayuan.

Ang kanyang mga palad na nasa kanyang dibdib, parang naparalisa din.

Walang pagtutol mula sa kanya kaya't akala ni Jimmy nagustuhan nito ang kanyang halik kaya't pinailalim ito.

Nakarinig siya ng malalakas na yabag paalis dahilan upang bumalik ang kanyang naparalisang katawan. Malakas na naitulak niya si Jimmy palayo sa kanya, at binigyan ito ng isang malakas na sampal.

"I'm sorry, Mia. But..."

Lumunok muna si Jimmy habang pinaraan ng kanyang palad ang pisnging nasaktan.

"But what? Why did you do that?" nanggigilalas na tanong niya. Ang kanina'y pagpapasalamat na naramdaman niya rito ay napalis at nahalinhan ng pagkasuklam.

"I love you, Mia," pagtatapat nito at hindi makapaniwalang napatitig siya kay Jimmy.

"You love me?" parang tangang pag-uulit niya. At matabang na tinitigan nito ang binata na tila hirap na hirap. "You took advantage of me?" galit niyang asik rito.

"Oo, Mia. Matagal na," pag-amin nito at galit na galit siyang umiling saka tinalikuran ito at mabilis na lumabas ng silid saka marahas na pinunasan ang mga labi gamit ng likod ng kanyang kamay.

Iniwan niya ito at saka pumasok sa banyo at inayos ang sarili, bago hinanap ang kanyang mga magulang.

Ngunit sa pagbabalik niya sa hardin, nakita niyang nakaakbay si Eli kay Camilla. Nakahilig naman ang dalaga kay Eli habang kakwentuhan ang mga kaibigan nito.

Ramdam niyang muli ang kirot sa kanyang puso.

Nakita niya ang mga magulang niyang kausap ang dalawang ginang. Wala na ang kanyang kuya.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon