Chapter 13

892 21 1
                                    


Kinasabaduhan
, nagulat si Mia ng magising pasado alas-dose na dahil sa pagod at laging kulang sa tulog, nasa sala ang tatlong bisita.

Isang linggo naring maaga siyang nagigising. Idagdag pang lagi siyang pinupuntahan at naghihintay ng maagang-maaga sa harapan ng bahay nila si Eli para ihatid sa trabaho. At si Eli narin ang laging okupado ng kanyang isip at laging late na siya nakakatulog.

Napagtanto niyang desperado itong paibigin siyang muli. Deep within her, she missed him na nanunuyo sa kanya, and at the same time, her mind is questioning his true intentions. He didn't believe him one bit, kahit na sinusuway ng puso niya ang dinidikta ng isip.

Humihikab pa siyang bumaba sa hagdanan. Nakaputing sando lang siya at puting manipis na cotton shorts. Kaya't medyo nababanaag ang kanyang puting undergarments kung ito'y titigan.

Ang kanyang buhok, sabog. At alam niyang nangangalumata pa siya. Nagsepilyo lang siya pagkagising niya, at habang nagsesepilyo nakapikit pa siya. Hindi na nag-abalang maghilamos dahil tinatamad na siya at nagkakagulo narin ang mga bulate niya sa tiyan.

Pagbaba niya ng hagdan, saka nagtuluy-tuloy sa pasilyo papuntang komedor. Madadaanan niya ang maluwang nilang living room at sunroom. At walang lingon na tuluy-tuloy siya at pagkalampas sa bukana ng sala, may bumati sa kanya.

"Good afternoon/magandang tanghali, Mia," bati ng boses na magkakaiba, at puro lalake. Humagikgik ang kanyang pamangking si Rica, apo ng nakatatandang kapatid ng kanyang ina na tiyo Elmer sa anak nitong si Marlita.

Biiglang nagpreno ang kanyang mga paa saka unti-unting umatras. Parang slow motion pang umikot ang kanyang ulo upang sinuhin ang mga tao sa sala, kahit na may kaba na siya kung kani-kanino ang mga boses na iyon. Lalo na ang buo at malalim na boses na kahit nakapikit siya, kilalang-kilala niya.

Lalong nagkandabuhol ang mga kilay niya ng makitang prenteng- prente na nakaupo sa sofa sa sala nila si Lando, ngising-ngisi. Tuwang-tuwa sa nangyayari. Nasa tabi nito ang limang taong gulang na si Rica na inosenteng nakitawa rin.

"Tita, ang tagal mong magising. Tagal-tagal ng naghihintay sila tito sayo," reklamo ng bata at pinigilan niyang matawa ng umirap ang pamangkin niya.

"Bakit hindi mo sila pinaalis at babalik nalang mamaya?" kunway pabirong sagot niya sa bata at sumimangot ito.

"Kailanga kasi ng prinsesa ang pahinga, Rica," si Lando at humagikgik ang pamangkin niya. Napakakyut nito sa pulang bestida niya, at nakasupil pa ito sa bahay na kasing kulay ng kanyang bestida.

"Sabi ng mga lola't lolo ko, ako raw ang prinsesa dito, tito." Pasubali ng bata at sumimangot pa ito.

"Oo, pero ikaw ang little princess, ang tita mo naman ang matandang prinsesa," nakatawang paliwanag ni Lando.

"May matanda bang prinsesa?" inosenteng tanong ni Rica.

Nagtawanan ang lahat. Inirapan ni Mia si Lando na tawang-tawa. Kinurot pa nito ang isang chubby na pisngi ng pamangkin niya.

Binalingan ni Mia ang nakatayong si Tomas at Eli. Ilang dipa lang ang layo ng dalawa. Sa pang-dalawahang sofa nakaupo si Tomas, katabi ng pang-apatang sofa, kung saan umokupa sina Lando at Eli. At si Rica sa pagitan nina Lando at Eli nakaupo.

Matangkad lang ng ilang pulgada si Eli kay Tomas at may malapad na dibdib. Matikas na matikas ito sa damit na buttoned down checkered shirt, at may dalawang butones na nakabukas. Nakapailalim ang laylayan sa maong nitong pantalon na itim. At nakatiklop ang manggas nito hanggang siko.

Lalong ngumisi si Eli ng paraanan ni Mia siya mula ulo hanggang paa ng titig at nakikita niya ang gulat at adorasyon sa mga mapupungay nitong mga mata. At nawala rin ang antok nito.

Dugtungan Natin Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon