Lianna

9 0 0
                                    

[8] Lianna

Time check: 10:12 pm.

Di ako makatulog. Ewan ko kung bakit. Nagpagulong gulong nalang ako sa kama ko at sinubukang makatulog. Masyadong maraming gagawin bukas.

Narinig ko ang beep ng cellphone ko. May nag text. Dali dali ko iyong binuksan at halos mapunit na ang mukha ko kakangiti ng makita ko ang pangalan ni Sky.
----
From: Sky :)

Hi Lianna, gising ka pa?
----
Anong irereply ko?! Shocks!

----
To: Sky :)

Ah, oo. Bakit?
----

Nag antay ako ng ilang minuto pero hindi parin nag rereply si Sky. 30 minutes na ang nakakalipas pero walang Sky ang nag reply. Tutok na tutok lang ako sa screen ko. Halos napa upo naman ako sa kama ng tumawag si Sky!

Nanginginig akong sinagot yung tawag.

"H-hello?"

"Naistorbo ba kita?"

"A-ah! Hindi naman. Di rin kasi ako makatulog eh,"

"Uhmm ano, p-pwede mo ba akong samahan sa 7-11?"

"H-huh? Bakit?"

"Ah wala lang, k-kung ayaw mo, wag nalang. Sig-"

"Ay hindi! Gusto ko!"

Gusto kong mag facepalm sa sinabi ko. Shocks! Nagmukha akong desperada!

"Talaga? Great! Tingin ka nalang sa bintana mo"

Kumunot yung noo ko.

"Nakatingin na ako."

I heared him chuckle. "I mean, dumungaw ka."

Okay, napa facepalm na talaga ako. Ang slow ko rin eh!
Sinunod ko yung sinabi niya at dumungaw ako sa bintana. Napa takip nalang ako sa bibig ko ng makita ko siya sa labas. Naka sandal sa kotse niya, may hawak na cellphone sa tenga at nakangiting nakatingin sa akin.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"B-bakit ka anjan sa l-labas?"

"Obviously, sinusundo ka."

Oh My God. Ito yung mga scenes na nakikita ko sa mga movies eh! Yung kapag nag away yung mag jowa sa movie, mag aantay yung lalake sa labas habang nag so-sorry at hindi siya aalis hanggang hindi sila nagkakabati nito kahit umulan man ng malakas. Waah! Bakit kinikilig ako?!

"Ah, Lianna, ano na? Tara?"

"H-huh? Ah s-sige, magbibihis lang ako."

Tinignan ko siya sa labas at nakita kong naka ngiti siya.

Dali dali akong nagbihis. Simpleng shorts at white t shirt lang yung kinuha ko. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin at inayos yung buhok ko. Halos madapa ako sa hagdan para makababa. Shocks! Muntikan akong mapagalitan ng land lady namin!

Nasa labas na ako at nakita ko si Sky na nakangiti sa akin.

"Tara?"

Tumango ako bilang kasagutan. Ilang minuto lang naka rating din kami sa 7-11. Buti may 24 hours na nakabukas dito.

Umupo kami sa stool kung saan kami naupo din noon. Libre na niya naman pero hindi na slurpee yung pinabili ko. Milktea. Baka kasi mapaos ako nito bukas.

Nakabalik na si Sky sa stool namin na ma dalang dalawang milktea at isang lata ng Lays. Bigla namang nag ningning ang mga mata ko. Paborito ko kasi ang Lays!

Umupo siya sa tabi ko at nagsimula kaming kumain. Medyo awkward ang atmosphere kasi ramdam kong nakatingin siya sakin habang nakangiti. Pakiramdam ko tuloy pulang pula ako!

Ibinaling ko nalang yung tingin ko sa labas. At naalala ko yung nakita ko din noon. Naalala ko yung si Kayla Ferrer na kasama ni Sky sa litrato.

Tumingin ako sa kanya at bigla siyang ngumiti. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Uhm.. Ano, Sky.."

"Hmm?"

"M-may kilala ka bang Kayla Ferrer?" Mula sa ngiti niya, napalitan ito ng blank expression.

Umiwas siya ng tingin. "Wala. Bakit?"

"Wala lang. He-he,"

Bumuntong hininga siya. Naka tingin nalang din siya sa labas. Mukhang wrong move ata yung pagtanong ko. Ang daldal mo kasi Lianna eh!

Sinubukan kong buhayin ang atmosphere. Hindi kasi ako sanay na makita si Sky na hindi nakangiti.

"May joke ako."

Lumingon siya sakin at ngumiti.

"Ano?"

"Anong sasabihin ng isda kapag nasagasaan siya?"

Kumunot yung noo niya. "Ano?"

"Edi.. Im tuna!" Ako lang yung tumawa sa joke ko. Si Sky naman, nakangiti lang.

"Corny ko. Hehe, sorry!" Nag peace sign ako sa kanya at pumilit ngumiti.

"Ano ka ba! Ang ganda nga ng joke mo eh!"

Ngumiti nalang ako. Kailan pa naging maganda ang joke? Diba dapat nakakatawa yun?

Naubos na namin yung milktea at Lays. Kaya inaya na ako ni Sky na ihatid ako pauwi. Napatingin ako sa relo ko. Malapit na mag midnight.

Nasa tapat na kami ng condo na tinutuluyan ko. Bumaba na ako sa kotse at ganun din siya.

"Salamat sa libre!" Ngumiti ako sa kanya

"Wala yun! Ako nga dapat ang magpasalamat eh! Salamat sa oras!"

Ngumiti lang ako. "Goodnight." Sabi ko tsaka tumalikod na kaso tinawag niya ako.

"Lianna.."

Lumingon ako.

"Hmm?"

"Bukas."

Kumunot yung noo ko "Huh?"

"Ah, wala! Sabi ko, goodnight din." Sabi niya at sumakay na sa kotse niya. "See you bukas." Yun ang huling sinabi niya at tsaka umalis na.

Nakangiti lang ako habang papasok ng dorm.

Walang Forever!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن