Entry No. 7

7 0 0
                                    

Dear Journal,

Grabe! Ang boring dito sa dorm. Hapon na. Nagawa ko na ata lahat ng pwedeng gawin dito eh, naglinis na ako ng bahay, naligo, nag fb, nakipag friends sa dingding, naki pag bato bato pick sa salamin, bored parin ako.

Ayoko namang bilangin ang buhok ko. Nakakapagod eh!

Actually, na bo-bothered ako kay Sky. Palagi kong hinahawakan ang cellphone ko at tutok na tutok dito. Nagbabasakaling mag text siya. Pero hanggang sa na lowbat nalang ito, hindi parin siya nag te-text.

Mag sorry kaya ako sa kanya?

Linagay ko nalang yung cellphone ko sa side table.

Napatingin ako sa kisame. Ano kayang ginagawa ni Sky ngayon? Nakaka miss din pala makita yung ngiti niya.

Kinuha ko sa drawer at tinignan yung picture namin kahapon sa photo booth. Ang cute naming tignan dalawa.

Naalala ko yung tulips ma binigay niya. Nasa upuan ko ito ngayon. Naisip ko rin yung meaning nun. Confession of Love.

Mahal ba ako ni Sky?

Hmm, ayoko. Imposible. Ayokong maniwala at mag assume. Baka rin kasi nagkataon lang eh.

Sa tingin mo, Journal, ano kaya ako para sa kanya? Kasi para sakin, napaka espesyal niyang tao. Magugustuhan niya rin kaya ako?

Haaay, ayokong maniwala sa love, lalong lalo na sa Forever

-xoxo, Lianna

Walang Forever!Where stories live. Discover now