Entry No. 4

9 0 0
                                    

Dear Journal,

Mukhang napapa dalas na ata ang pag sulat ko dito ah. Anyway, hindi mawala sa labi ko ang isang malawak na ngiti. Matapos kasi kaming nag ready ng booth para bukas, inihatid ako ni Sky sa kotse niya. Gusto kong magsisigaw sa kilig dahil hinalikan niya ako. Pero this time, hindi na sa cheeks. Sa noo na. Oo sige, medyo na disappoint ako. Pero ayokong ipahalata no.

Tsaka, sisiguraduhin ko muna itong nararamdaman ko sa kanya bago ako magpa dalos dalos. Baka kasi mahulog na ako ng tuluyan sa kanya at kaibigan lang pala kami para sa kanya.

Ayoko naman ng ganun no! At tsaka, yung mga lalake, bihira nalang ang mga nagseseryoso ngayon. Naalala ko tuloy yung nakita ko nung nasa 7-11 ako. Yung babae, kawawa naman siya kasi di nya alam na linoloko lang siya ng boyfriend niya.

At yung si Kayla Ferrer. Bakit niya kahalikan yung boyfriend ng babaeng yun? At tsaka, ex niya ba si Sky? Anong nangyari?

Ahhh! Ewan ko! Magiging busy nga pala ako kasi bukas na yung foundation day. Haay. Valentines na bukas, pero wala paring forever! Amp!

-xoxo, Lianna

Walang Forever!Where stories live. Discover now