Entry No. 8

10 0 0
                                    

Dear Journal,

Nalulungkot ako para kay Sky. He doest deserve to be hurt. Hindi mawala sa isip ko ang na witness ko kanina. Si Sky na umiiyak at nagmamakaawa kay Kayla. Naalala ko yung caption niya sa litrato 'My Everything'

Kumikirot ang puso ko, feeling ko may tumutusok dito. Aware akong iba na yung nararamdaman ko kay Sky eh. Pero mas masakit yung fact na, imposibleng mahal niya rin ako.

Mukhang hanggang ngayon, mahal niya parin si Kayla eh. Nakakaingit siya kasi iniiyakan siya ng taong mahal ko.

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Sky kanina kay Kayla. Na naawa siya rito dahil nagmamahal siya ng taong hindi siya mahal.

Hindi ko alam pero kahit na si Kayla ang sinabihan niya ito, parang ako ang natamaan.

Kung malaman niya kayang mahal ko siya, kaaawaan niya rin ba kaya ako? Kasi nagmamahal ako ng taong may ibang mahal? Haay.

Ang gulo ng buhay ko ngayon. Kung bakit ba kasi ako nahulog kay Sky eh.

Sky, hanggang tingin nalang siguro ako sayo. Hanggang tingin nalang ako sa 'langit'

Meron palang forever. Forever magiging complicated ang buhay ko.

-xoxo, Lianna

Walang Forever!Where stories live. Discover now