[4] Lianna
Simula ng maka-uwi ako sa inuupahang condo ko, (Oo, naka condo ako kasi masyadong malayo kasi ang probinsya kung saan nakatira si lola sa eskwelahan) so ayun nga, pagkasaradong pagkasarado ko ng pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Ewan ko pero parang any minute, sasabog ito.
Sinampal sampal ko yung pisngi ko at sinubukang pakalmahin ang isip ko.
Napag isip isip kong i-open ang facebook account ko. Hindi naman ako medyo makaluma para hindi magkaroon ng ganito. Well hindi ako masyadong active kasi bihira ko lang ito gamitin kapag hindi ako busy.
May friend request ako at nakita ko ang pangalan ni Sky.
Sky Geremy Lee send you a friend request
Accept Not Now
Pinindot ko yung accept at nag scroll sa news feed ko. Kokonti lang yung friends ko dito.
Nagulat ako ng may pop up sound. May nag message. Tinignan ko ito. Si Sky yung nag message.
------
Sky Geremy Lee: Hi Lianna! Anong ginagawa mo?
------Kumunot ang noo ko pero rineplyan ko rin.
------
Lianna Cortez: Wala lang, medyo inaantok. Ikaw?
------
Mga ilang segundo rin hindi muna nag reply si Sky kaya clinick ko yung profile niya. Tumambad sa akin ang gwapong pagmumukha ni Sky sa cover photo niya na naka shades at topless. Nasa beach siya sa litrato. Napansin kong may abs din pala siya. Medyo napatitig ako doon hanggang sa narealize kong naaalala ko na naman yung paghalik niya sa pisngi ko. Agad nag init yung mukha ko kaya inexit ko yun.Scrinoll ko na kang yung wall niya.
Sky Geremy Lee updated his status.
Its now or never!
156 likes, 32 comments.
Hindi ko alam kung anong ibig sainin ng status niya kaya tinignan ko nalang yung profile pictures niya.
Habang tumtingin tingin ako, napatigil ako sa nakita ko. Si Sky na naka akbay sa isang babae. At ang babaeng iyon, yun yung nakita kong kahalikan ng boyfriend ng babae kanina sa 7-11.
Binasa ko yung caption. "My Everything" iyon ang nakalagay. Kumirot yung puso ko. Ewan ko kung bakit. Ang litratong ito ay last year pa. May naka tag na pangalan sa litrato ng babae.
Kayla Ferrer.
Ic-click ko sana yung profile ng babaeng yun kaso biglang nag reply si Sky.
------
Sky Geremy Lee: Napagod ka ba kanina? Sorry.
------
Lianna Cortez: Hindi ah! Nag enjoy nga ako eh. Salamat ulit sa libre :)
------
Sky Geremy Lee: Wala yun :)
------Naramdaman kong pabagsak na ang mata ko kaya nag reply ako sa kanya.
------
Lianna Cortez: Sige Sky, Goodnight!
------
Sky Geremy Lee: Goodnight din Lianna! See you!
------Nag reply lang ako ng smiley emoticon at inoff ko na yung laptop ko.
Pero bago ako natulog, nagsulat muna ako ng entry ko.