[18] Lianna
-•-
Simula nung incident na nagyari noong nagkita kami ni papa, isang linggo ako naging lutang. Maalala ko parin kasi eh. masakit parin kasi sana hinanap ako ni Papa pero hindi niya ginawa yun. Medyo napapabayaan ko ang responsibilidad ko bilang presidet namin, buti nalang anjan si Sky.
Naging close nadin kaming dalawa. Minsan lumalakad kami sa mall o kahit saan. Ewan ko kung dat yun. Ayoko rin namang mag assume. Baka mapahiya ako.
"Goodmorning." Bati niya sakin habang nakangiti. Nasa room kami.
Hindi ko siya agad napansin kasi nami-miss ko ang lola ko. Gusto ko kasing may makausap na makakaintindi sa akin. Ayoko rin kasing mag open up kay Sky kasi nga kilala niya si Kayla.Baka pag sinabi kong sinisisi ko si Kayla, baka magalit siya sakin.
"Huy! Tulala ka na naman! Pansinin mo naman akoooooo!" Nagsimula na syang mag tan-trums. Simula nung medyo nagkasama kami, nakikita ko yung ibang side ni Sky. Medyo childish siya minsan.
Ngumiti lang ako sa kanya at umub-ob sa desk ko. Medyo nahihilo ako. Halos mag da-dalawang araw wala akong kain.
Pumasok na yung teacher namin sa Physics. Pinilit kong makinig kahit medyo kumikirot yung ulo ko.
"Ms. Cortez, can you answer my question?"
Ugh! Ang sakit ng ulo ko!
"Ms. Lianna Cortez, are you with us?"
"Pst! Lianna! Tawag ka ni maam!" Bulong ng katabi ko. Agad akong tumayo.
"I-im sorry maam, a-ano po?"
Bumuntong hininga siya. "Ms. Cortez, ikaw pa naman ang running valedictorian namin tapos nag s-space out ka pala habang nasa klase ako?!"
Yumuko ako. Kasalanan ko rin eh. "I-im sorry maam."
"Fine. Ill get you through this. But can you answer my question at the board?" Tanong niya.
Tinignan ko yung board. Hindi ko medyo makita ng malinaw kasi nag b-blur na yung paningin ko.
Tumango nalang ako at nagsimulang maglakad sa harapan. Bawat hakbang ko, lalo akong nahihilo.
Kumuha ako ng chalk at isusulat sana yung sagot ko kaso naramdaman kong sobrang hina na ako hanggang sa natumba ako.
"Oh my God! Ms. Cortez!" Si maam sumigaw. Naramdaman kong may sumalo sa akin.
"L-lianna!" Huli kong nakita ang pamumukha ni Sky hanggang sa naging madilim na ang paningin ko.