Dear Journal,
Nakakainis si Sky! Tawag siya ng tawag sakin sa cellphone ko at tinadtad ako ng text! Tinatanong kung ano daw ang problema ko, kung galit ba ako, kung ano daw kasalanan niya, kung kumain na ba ako, kung may lagnat pa ba ako, ahhh ewan!
Kulang nalang tanungin niya kung nakapag dumi na ako eh!
Sana pala hindi nalang ako nag taxi kanina para lang makaiwas kay Sky kasi noong naka sakay na ako, may dumating ng jeep! Ayan tuloy! 70 pesos yung nawala sakin! Bakit ba kasi ang mahal ng taxi! Yung tipong pag upo mo palang, 30 pesos na agad!
Kanina nung binuksan ko yung tv kasi bored ako, forevermore ang palabas! Heh! Wala ngang forever eh! Walang road to forever! Nasiraan ang sinasakyan nila Agnes at Xander papuntang forever! Hmp!
Ps. Tapos na ang forevermore, pero wala paring forever!
-xoxo, Lianna