Lianna

11 0 0
                                    

[10] Lianna

Nasa campus na ako. Medyo inagahan ko kasi kailangan kong asikasuhin yung booth. Ako palang ang nauna sa klase namim. Nakapag lagay narin kami ni mga flyers ng booth. May mga 30 ang bumili ng tickets. By batch nalang yung gagawin namin para hindi bitin yung bayad.

Napatingin ako sa motif ng booth namin. Tinignan ko yung designs. Pina dim ko yung light para mag karoon ng effect ang candle light sa table.. Nag set up narin kami ng music for slow dance moment. Yung mga dingding, napupuno ng pulang heart shaped papers at may nakakalat ring red roses petals sa floor.

Napangiti ako. Ang ganda ng booth namin. Magulat ako ng may nagtakip ng mata ko. Hinawakan ko yun. Mukhang lalake. Agad akong nakaramdam ng kaba. May kidnapper ba sa loob ng campus? ;o

"S-sino to?"

Naramdaman kong medyo lumuwag yung pagkakahawak niya hanggang sa tinanggal niya ito.

Lumingon ako kay Mr. Kidnapper.

"S-Sky?"

Ngumiti siya. Yung ngiting mapapa ngiti ka rin. "Happy Valentines Day." May kinuha siya sa likod niya at may isang boquet of flowers na siyang hawak.

Ibingay niya yun sa akin. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Ngumiti nalang din ako at tinanggap yung red tulip flowers.

"S-salamat," ngumiti lang siya.

"Tara? Mag libot libot tayo. Sayang naman kung ang booth lang natin ang ma t-try natin. Mamaya pa naman sila eh, masyado pang maaga."

Nagaalinlangan pa sana ako kaso inunahan na niya ako "Ang alam ko, may mga booth na maagang nag bukas"

Wala na akong nagawa at tumango. Linagay ko muna sa table ko yung flowers.

Lumabas kami at Naglibot libot sa campus. Hmm, madami na ngang booth ang nagbukas na.

"Try natin to!" Tinignan ko ang isang booth stall na tinuturo ni Sky. Nakalagay eh 'A Ride to Remember'

"S-sige."

Bumili ng ticket si Sky at nagulat nalang kami ng may padyak na nasa harapan namin. May mga hearts din na designs dito at may payong din. Ang cute ng naisip nilang booth!

"Tara?" Aya ni Sky.

Sumakay kami sa padyak na iyon. Ililibot pala kami sa campus. Ngayon lang ako naka ranas ng ganito. Usually kasi kapag foundation day, nasa booth lang namin ako. Kailangan kasi eh.

Nilibot ko yung tingin sa campus. Since valentines day ngayon, halos about love concept ang meron sa mga booth. Bihira lang ang mga horror house.

Tinignan ko si Sky na nasa tabi ko. Nakatitig pala siya sakin. Agad siyang nag iwas ng tingin nong nahuli ko siya. Nakita kong namula yung tenga niya. Ang cute!

Tumingin tingin ako sa paligid. At tama nga, lipana na ang mga estudyanteng nag ho-holding hands at may dalang flowers. Kekeke! PDA!

Isang ikot lang pala yung sa A Ride to Remember kasi may ibang batch na naman.

"Saan na naman tayo?" Tanong niya sakin.

Linibot ko yung tingin ko sa mga paligid. Marami rami naring booth. Mamaya parin naman kaming mag o-open.

"Doon tayo!!" Halos tumalon ako ng makakita ako ng Photo Booth. Hindi ko na hinintay na sumagot si Sky kaya hinatak ko na siya doon sa booth.

"Ako naman yung magbabayad ng ticket," sabi ko. Tumango lang siya at ngumiti.

"5 shots miss," sabi ko doon sa estudyante na nasa stall ng booth.

"Pasok na po kayo maam," tinuro niya yung studio. Agad kong hinila si Sky. Halata bang excited ako? Haha! Eh kasi naman minsan lang magkaroon ng Photo Booth. Kahit meron man, hindi ko parin na try. Since last year ko na dito sa campus, gusto kong ma try.

Ang cool ng studio nila. May salamin sa harap namin. Pinindot ko yung red button at nadinig ko na ang countdown. 3 counts ata tsaka mag c-click yung camera.

"Yan! Yan na! Smile ka ha?" Bilin ko kay Sky na nakangiti na at nakatingin sakin.

Na star-stuck ako sa ngiti niya at napangiti na rin ako.

*Click*

Hala! Na picture-an ba yun?

Naramdaman kong umakbay sakin si Sky.

"Smileeeee!" Sabi niya at napangiti ako.

*Click*

Nag pogi sign ako at nag pogi sign rin siya

*Click*

Nag japan japan pose ako habang siya naman umakto na naka poker face. Ang cute niya!

*Click*

Huling photo nalang. Hindi ko alam kung anong pose ang gagawin ko. Kung pwede nga lang hanggang 100 shots to eh!

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Sky palalapit sa kanya at naramdaman kong naglapat ang labi namin.

*Click*

Nung narinig ko ang click ng camera, tsaka lang ako natauhan. Agad akong lumayo sa pagkakalapit sa kanya. Iniwas ko yung tingin ko at naunang lumabas.

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"T-teka, Lianna!" Ramdam kong hinahabol ako ni Sky. Pero tuloy tuloy lang ako sa paglakad.

Ng maabutan niya ako, agad niya akong pinaharap sa kanya.

"S-sorry..." Sabi niya habang naka yuko. "Sorry, I shouldnt have kissed you."

Tinignan ko siya. Hawak niya yung photo strips.

Maglalakad na sana siya palayo.

"Uhmm., Sky!"

Lumingon din naman siya kaagad.

"A-ano, uhmm.. O-ok lang yun. Hehe"

Nakita ko na nag form ng ngiti ang mga labi niya. "Really? Thank God. At tsaka.." Lumapit siya sakin. "Sorry parin."

Nginitian ko lang siya. "Kalimutan nalang natin yung nangyari." pagkasabi ko nun, nawala ang ngiti sa mukha niya. Bakit?

"o-okay," yumuko siya at parang malungkot yung pagkakasabi niya.

"M-may nasabi ba akong mali?"

"Wala no! T-tara na nga sa booth natin!" Ngumiti siya pero hindi yung usual na ngiti niya. Iba eh.

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

Walang Forever!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora