Lianna

11 0 0
                                    

[16] Lianna

Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko. Tinignan ko ang kisameng kulay blue. Pinilit kong bumangon at tinignan ang kwarto kung nasaan ako. Maraming basketball collections at kahit anong panglalakeng lalake.

Kinabahan ako bigla. Tinignan ko ang suot kong damit. Okay, kalma lang Lianna, hindi ka na rape.

Biglang nag flashback sa akin ang nangyari kanina. Ang tatay ko, si Kayla. Si Sky. Naramdaman kong sumakit ang ulo ko kaya minahase ko ito.

Bigla namang bumikas ang pinto. "Gising ka na pala,"

Kinusot-kusot ko yung mata ko. Baka nagmamalik mata lang ako.

Pero anjan parin siya sa harap ko na nakangiti. "S-sky?"

Lumapit siya sakin at umupo sa kama.

"N-nasan ako?"

"Nasa kwarto ko.."

Sa sinabi niya, para akong binuhusan ng malamig na tinig. Shaaaks! Nasa kwarto niya ako!

"...nung nahimatay ka, di ko alam ang gagawin eh. Kaya dinala kita dito. S-sorry,"

"N-naku! Ano ka ba, bakit nag so-sorry? Eh tinulungan mo nga ako eh. T-thanks ah?"

Ngumiti siya. Yung ngiting nagpatunaw ng puso ko.

"Masakit ba ang ulo mo?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Umiling ako. Hindi na masakit ang ulo ko, pero yung puso ko, mabigat ang dinadamdam.

"Kanina nung muntik na kitang masagasaan, parang umiiyak ka. Bakit?" Tinignan niya ako ng seryoso na parang nag-aalala.

Umiwas ako ng tingin. "A-ako? Umiiyak? H-hindi ah! Tsaka, baka gunu-guni mo lang yun?"

Nagkibit balikat lang siya at tumayo. Linahad niya yung kamay niya sakin.

"Tara? Nagluto ako ng lunch."

Tumango ako at sumunod sa kanya. Ang ganda ng bahay nila Sky pero pansin ko, bakit mag isa siya?

"Uhmm Sky, nasan na yung mga kasama mo dito?"

"You mean my parents? Nasa new york sila eh, business matters."

Tumango tango ako. "Eh yaya? Wala kayo?"

He giggled. Ang cute! "Malaki na ako. Kaya ko ang sarili ko,"

Hmm. Sabagay.

Nakarating na kami sa kitchen niya at may naka ready nang pagkain sa mesa. Ewan ko pero feel ko na mag asawa na kami at pinagluto niya ako! >//<

"Kain na tayo?" Nagluto siya ng tinolang manok. Ang bango!

"Sorry yan lang nakaya ko ha?"

"Ano ka ba! Favorite ko nga yan eh! Iyan kasi ang madalas lutuin ng lola ko"

"Hmm, okay." Di na siya nagsalita at kumain ka kami. Tahimik lang, bakit ang awkward ngayon?

Ng natapos ko na yung pagkain, linagay ko sa hugasan. Siya na daw maghuhugas. Pinaupo niya ako sa sala at in-on niya yung tv. Grabe! Ang laki ng tv nila! At cable pa!

Nanonood ako ng HBO at The Fault In Our Stars yung palabas. Halos pumalakpak yung tenga ko kasi gustong gusto kong manood nito. Pero kasi mahal yung ticket ng sine. Bumili nalang ako ng pirated, kaso malabo eh.

Kaya heto, tutok na tutok ako sa palabas. Ang gwapo talaga ni Augustus!

Naramdaman kong umupo narin si Sky sa sofa. Inabot niya yung remote at linipat yung palabas sa NBA.

Medyo napa simangot ako. Gusto ko kasi talagang manood. Ayoko namang mag reklamo, bisita lang ako eh.

"Ay sorry, gusto mo ibalik ko yung pinapanood mo?"

Umiling ako. "Ah, hindi na, napanood ko naman yun eh. Gusto ko lang panoorin ulit, sana?"

Sumeryoso yung mukha niya. Kaya tumahimik nalang ako.

Maya maya lang, biglang nagsalita si Sky. "Alam mo ba kung bakit ayaw ko sa palabas na 'yon?"

Kumunot ang noo ko. "Yung tfios? Uhmm, hindi. Bakit?"

Huminga siya ng malalim "Simula kasi ng ipalabas yan sa sinehan, lipana na ang fans ng pelikulang yan.."

"Oh tapos?"

"Alam mo kung bakit gusto nila ang pelikulang yan? Kasi naiinlove sila sa storya. Naiinlove sila sa characters. Kaya gusto din nila ng ganoong storya."

"Ibig sabihin, gusto din nilang magsakit?"

He chuckled. "No. I mean, sa story kasi pinapakita na true love do exists, pinapakita doon na if there is still life, there is still hope. Na totoo ang destiny or such things. You see? They are so inlove at nagpakatatag sila. Pero hindi sapat ang pag ibig nila para labanan ang kapalaran nila..."

"... Kapag nagmamahal ka kasi, may isa talagang masasaktan eh. At malas nalang sa isang yun na nag su-suffer. Kaya ayoko sa pelikulang yan, marami na kasing naniniwala sa true love at hope. Eh hindi naman totoo yon. Diba sa libro lang binase ang pelikulang yun? Kaya there is no such things as love."

Habang nagsasalita siya, ramdam ko ang bigat ng loob niya. Siguro nakaka relate siya kay Hazel Grace. Siya kasi yung naiwan eh. Pareho silang iniwan ng mahal nila. Pero in a way, magkaiba sila. Si Augustus kasi, wala siyang choice dahil mamamatay siya.

Eh si Kayla? May choice Kaya siya? Sana di niya nalang iniwan si Sky. I feel bad for him pero hindi ko ma open up sa kanya yung nalalaman ko. Baka kasi sabihin niyang masyado akong nanghihimasok sa buhay niya.

"...hindi sapat ang pagmamahal para labanan natin ang tadhana. I know I may sound weird but I dont believe in forever."

Sa sinabi niya, nagulat ako.

"OMG! Ibig sabihin, hindi karin naniniwala sa forever?!"

Tumango siya habang naka ngiti.

"So ibig sabihin, pareho tayo ng motto?!"

Tumango siya at sabay sabay kaming sumigaw ng.. "WALANG FOREVER!!"

Walang Forever!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant