Entry No. 1

32 0 0
                                    

Dear Journal,

Next week na yung foundation day ng eskwelahan namin. At ang exact date ay Valentines. Kanya-kanyang paghahanda ang mga sections sa kani-kanilang booth. Yung iba rin ay naghahanap na ng date. Sigurado akong lipana na naman ang mga PDA at naka holding hands dito sa foundation day.

Hindi naman ako bitter o ano. Sadyang hindi lang ako naniniwala sa salitang "Forever"
Sa mga fairytales at pelikula lang meron yan. Wala ito sa totoong buhay. Bata palang ako, hindi ko naranasan ang pagmamahal. Ang nanay at tatay ko, araw-araw na nakikita kong nag aaway. Minsan nagkakasakitan na sila. Hanggang sa napag pasyahan nilang maghiwalay.

Wala ni isa sa kanila ang may balak na isama ako. 12 years old ako ng panahong iyon. First year high school. Halos lumuhod ako sa harap nila at nag mamakaawang isama nila ako. Ngunit tinalikuran nila ako at umalis ng bahay.

Iyak ako ng iyak ng panahong iyon. Muntikan narin akong magpakamatay. Buti nalang biglang dumating ang lola ko at isinama ako sa probinsya. Doon ko naramdaman magkaroon ng isang nanay na nag aaruga.

Kahit ganoon ang ginawa nila mama at papa sakin, umaasa parin akong babalikan nila ako at isasama sa kanila.

Pero limang taon na ang nakakalipas at ga-graduate na ako, walang ni isang anino nila ang nakita ko. Nabalitaan ko nalang na si mama, nasa America na at ma bagong pamilya. Si Papa rin nagkaroon na ng sariling pamilya.

Doon ko napagtanto na wala silang paki alam sa akin. Na ni minsan, hindi nila ako minahal. Mula nagkaisip ako, palagi ko silang nakikitang nag aaway. Hindi nila ako nasusubaybayan at kahit nga birthday ko, hindi nila naaalala. Minsan nga naiisip kong ampon lang ako.

Kaya ayun nga, pinilit kong magsumikap kahit wala ang mga magulang ko at tanging ang lola ko lang ang sumusuporta sa akin. Patay na si lolo, kaya mas lalo akong hindi naniniwala sa forever.

So ayun nga, dahil ako ang president sa klase namin, isa ako sa nai-istress sa paparating na foundation day. Kanya kanya namang opinyon kung anong booth ang mga kaklase namin. Pinagbutohan namin iyon at sa kasamaang palad, blind date ang booth namin. Hindi nalang ako umangal kasi majority iyon.

Lahat sila excited na sa Valentines. Kasi araw daw ng mga puso. Araw ng pagmamahal. Heh!

Pero kahit na! Wala paring forever!

-xoxo, Lianna.

Walang Forever!Where stories live. Discover now