[21] Lianna
A/n: Sorry di muna ako mag uupdate. May allergy kasi si otor at sa kasamaang palad, nagka allergy yung kamay ko! As in yung fingers! Masakit kasi mag type eh kaya pagpasensyahan niyo na :*
-•-
"Lianna, iniiwasan mo ba ako?" Kanina pa ako kinukulbit nitong si Sky. Kanina niya parin ako sinusundan at hindi niya ako tinitigilan sa kakatanong.
Para siyang sirang plaka!
Naglalakad ako sa hallway papuntang canteen kasi gutom ako. At heto parin si Sky, sunod ng sunod sa akin! Para siyang buntot ko!! Ugh!!
Hinarap ko siya kasi naiirita na ako sa kakakulbit niya sakin.
"Pwede ba, Sky, lumayo layo ka nga sakin!"
Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Agaw pansin kami sa mga estudyante dito.
"B-bakit?"
"Kasi nakakairita ka! Kanina ka pa sunod ng sunod sakin! Kanina ka pa tanong ng tanong kung iniiwasan kita, kapag sinagot naman kita ng hindi, di ka rin naniniwala! Ugh! Nakaka irita na!" Haloa mapasabunot na ako sa buhok ko sa sobrang frustration.
Tinignan ko siya sa mata at kitang nasasaktan siya. Bakit?! Eh siya nga may gusto nito eh! Pasalamat pa nga siya ako na ang kusang lumalayo! Eh yan naman gusto niya di ba?
Yung mga mata niya, unti unting napalitan ng cold expression. Nagulat ako sa nakita ko pero nanatili parin akong kalmado.
"I see.." Halos pabulong niyang sabi tsaka niya ako tinalikuran at naglakad palayo sakin.
There. Diba dapat maging masaya na ako? Kasi sa wakas, umalis na rin siya? Pero.. Bakit nasasaktan ako?
Nararamdamn kong may namumuong luha sa mga mata ko kaya minabuti kong maglakad palabas ng building. Pumunta ako sa likod ng building at walang tao. Masyadong tago kasi at medyo creepy pero di naman ako takot.
Gusto ko ring mapag isa. Kahit gutom ako, nakalimutan ko yun. Masyado akong naging bothered eh.
Umupo ako sa dating waiting shed dito. Mukhang sa mga elementary students to eh pero since lumipat na sila ng building, naging abandonado na ako.
Tinakpan ko ang mukha ko kasi feeling ko anytime, iiyak ako. Yinakap ko nalang yung binti ko at sumandal sa wall doon.
Maya maya, nakaramdam ako ng kaluskos. Agad akong napa ayos ng upo. Ano yun?!
Sinundan ko ng tingin ang kaluskos kung saan ito galing. Kinabahan ako bigla. Baka totoo ngang may nagmumulto dito?! Shocks!! Bakit ba kasi dito pa ako pumunta!
Tatayo na sana ako para umalis eh bigla nalang may sumulpot na lalaki sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba! Akala ko makakaihi na ako dito eh!
Tinignan ko yung lalake sa harap ko. Matangkad siya kaya tumingala ako. Naka red polo siya at ripped jeans. Napatulala ako kasi shet! Ang gwapo niya! Di ko akalaing may malanding side din pala ako pero makalaglag panty ang kagwapuhan niya eh.
Nag smirk siya at mas naging gwapo siya!
"Finish memorizing my face huh, miss?"
I snapped back. "H-huh?"
"Haha! Sus! Mag de-deny pa!" Tumawa siya at shocks! Ang hot ng tawa niya! Umiwas nalang ako ng tingin kasi mukhang ang pula ko na.
Umupo siya sa tapat ko kaya pinandilatan ko siya ng mata. Nginitian niya lang ako.
"Patambay miss ah? Boring eh," sabi niya sabay pikit.
Kumunot ang noo ko habang tinitignan siya. Seriously?!