Lianna

14 0 0
                                    

[19] Lianna

Idinilat ko ang mata ko. Nasa clinic ata ako. Pagkakatanda ko, nahimatay ako kanina. Naalala ko yung huling nakita ko, si Sky.

Gagalaw sana ako paupo kaso mabigat yung kamay ko. Pagtingin ko, hawak ni Sky yung kamay ko at tulog siya.

Dahan dahan akong pumwesto paupo. Tinignan ko ang mukha niya. Ang peaceful niya matulog. Ang gwapo niya talaga tapos yung mga labi niya, mamula mula tapos yung pilik mata niya, mataas. At yung ilong niya, ang tangos.

Ang unfair sakin no! Lalake siya pero siya ang biniyayaan ng ganito ka perpektong mukha. Siguro nung nagsaboy ng kagandan si Lord, naka payong siguro ako.

Naramdam kong gumalaw siya kaya agad akong napabalik sa higa at nagkunwaring matulog.

Ramdam ko ang presensya at pagtitig sakin ni Sky kahit nakapikit ako. Feeling ko tuloy ang pula ko!

Bumuntong hininga siya at hinawi yung bangs ko. Nakaramdam ako ng kuryente. Kinilig ako bigla pero hindi ako gumalaw at natulog kunwari.

"Why did you let things more complicated, Lianna?" Sa boses ni Sky, mukhang mabigat yung pakiramdam niya.

Hindi ko alam ang pinagsasasabi niya pero nasasaktan ako. Hindi ko siya maintindihan. Wala naman akong ginawa ah? At tsaka, anong complicated?!

"I shouldnt have met you.."

Sa sinabi niyang yun, di ko na napigilan, naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko. Pero nagpanggap parin akong tulog.

"Lianna?" Tawag niya sakin pero pumikit parin ako.

Pinipigilan ko ang luha ko. Ang sakit sa pakiramdam eh. Ikaw kaya sabihan ng taong gusto mo na sana hindi ka niya nakilala? Ang sakit eh.

Anong ibig niyang sabihin? Anong nagawa ko? Naguguluhan ako at nasasaktan. Gusto kong dumilat at sapak sapakin siya. Pero hindi ko yung ginawa, pinakalma ko lang yung sarili ko.

Nung medyo kumalma ako, napag isip isipan kong dumilat. Nag unat unat pa ako para mukhang ngayon lang talaga ako nagising.

Agad niyang hinawakan yung noo ko at mukhang nag aalala pero tinaboy ko iyon palayo. Kita sa mata niya na nagulat siya sa nagawa ko pero wala akong pinakitang reaksyon pero ang alam kong nararamdamn ko ngayon, eh galit ako sa kanya.

"L-lianna?" Tinawag niya ako pero tumayo ako.

"S-saan ka pupunta? May lagnat ka." Hahawakan niya sana yung braso ko pero tinabing ko yun.

"Wag mo kong hawakan." Dire diretso akong naglakad palayo sa kanya at lumabas ng clinic. Tinignan ko ang relo ko, 4:30 na ng hapon kaya umuwi na ako. Tapos na yung klase namin.

Habang nag aabang ako ng jeep, may tumawag sa pangalan ko. Pag lingon ko, si Sky. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatakbo na sana ako palayo kaso hinatak niya yung braso ko.

I look at him coldly. Kumunot ang noo niya. Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa braso ko pero hinigpitan niya.

"Bitawan mo ako."

"Iniiwasan mo ba ako?" He asked innocently. Gago ka pala Sky eh! Hiniling mo nga na sana di mo ako nakilala eh!

"Hindi. Kaya bitawan mo ako."

He sighed. Binitawan niya ako. Ang awkward ng atmosphere. Gusto kong mag sorry sa inaasta ko pero siguro okay na 'to. Total, ako naman daw ang kasalanan kung bakit naging 'complicated' ang buhay niya.

May tumigil na taxi sa harap ko. Dahil naiilang ako, sumakay ako sa taxi.

Tinignan ko si Sky sa side mirror, and he looks so... sad?

Bakit?

Walang Forever!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora