Lianna

8 0 0
                                    

[13] Lianna

Pasado 6:00 pm na. Naisipan kong pumunta sa 7-11. Wala lang, feel ko lang. Para tipid sa pamasahe, naisipan kong maglakad nalang. Sa di kalayuan, may nakita akong dalawang tao. Pamilyar yung figure nung isa.

At dahil may lahi akong tsismosa, Mas lumapit ako pero para akong tangang nagtatago sa isang poste.

At nakumpirma ko kung sino nga yung lalakeng yon. Si Sky, habang yinayakap si Kayla Ferrer sa likod.

Napahawak ako sa dibdib ko. Naramdaman ko kasing kumirot ang puso ko. Gusto kong umalis sa pwesto ko at lumayo sa kanila pero hindi ako hinayaan ng paa ko.

Narinig kong nagsalita si Kayla kaya sumilip ako sa kanila. At doon ko nakita ang ganoong expression sa mukha ni Sky na malungkot at nasasaktan. Umiiyak.

"I-Im sorry, Sky. Im really sorry." Sabi ni Kayla sa kanya habang nagpupumiglas sa yakap ni Sky.

"N-no. P-please give me another chance Kayla, please.." Kitang kita ko sa mga mata ni Sky na nasasaktan siya. Hindi ako ang nasa pwesto ni Sky pero nasasaktan ako para sa kanya.

"Hindi ko na kaya Sky, please naman oh, pabayaan mo na ako!" Sa sinabing iyon ni Kayla, bumitaw na sa yakap si Sky.

"Bakit? Masaya ka ba? Masaya ka bang kasama ang gagong iyon? Masaya ka bang maging kabit?!" Kitang kita sa mukha ni Sky ang galit.

Sinampal ni Kayla si Sky. Napasinghap ako sa gulat kaya tinakpan ko yung bibig ko.

"How dare you say to me those things?! Oo alam kong kabit ako! Pero masaya ako! Masaya akong kahit saglit ko lang siyang nakakasama, masaya na ako dun!" Umiiyak na si Kayla.

"You are so pathetic, Kayla. You are loving someone who doesnt love you back." Matigas na sabi sa kanya ni Sky. Ang boses na kaninang nasasaktan, ngayon, boses na ng isang cold na tao. ".. Continue being happy," yun ang huli niyang sinabi at tsaka siya umalis at iniwan si Kayla.

Natulala ako sa nakita ko. Hindi ko alam na may ganoon palang klase ng babae na gugustuhing maging kabit para lang sa pag-ibig.

Tinignan ko si Kayla na nakatakip ng bibig habang tahimik na humihikbi.
Linapitan ko siya.

"O-ok ka lang?" Tanong ko at hinagod hagod ang likod niya.

Tinignan niya ako at umiwas ng tingin. "Y-yeah, Im perfectly fine."

"Upo muna tayo," hinawakan ko yung kamay niya at umupo kami sa isang bench. Kahit sinabi niya ok lang siya, humihikbi parin siya.

"Panyo oh," inabot ko sa kanya yung pink handkerchief ko. Kailangan niya kasi.

Tinanggap din niya naman yun at pumilit ngumiti. "T-thanks"

"Alam mo, magiging okay lang din ang lahat." Sabi ko at tumingin sa langit. Pagabi na.

"N-nakita mo ba ang nangyari k-kanina?"

Huminga ako ng malalim. "Hmm, oo. Sorry narinig ko. Kilala ko kasi yung lalaking kausap mo kanina."

Lumingon siya sa akin. "Talaga? You know Sky? K-kaano ano mo siya?"

"Oo. Kilala ko siya. Classmate ko,"

Tumango tango lang siya "how is he?"

Napabaling ang tingin ko sa kanya at kumunot ang noo ko.

"How is he? Okay naman. Masayahin siyang tao. Laging naka ngiti at...." Tumigil sa pagsasalita. "..mabuting kaibigan"

I saw a glimpse of her face, a painful expression.

"Ganon ba? Im glad to hear that.."

Di ko napigilan ang bibig ko "a-ano nga pala kayo ni Sky?" Tanong ko.

Ngumiti siya. "We used to be lovers," paliwanag niya. Sa narinig ko, biglang kumirot ang puso ko. "..but, I didnt love him. I am just using him. I played with his heart."

Yumuko siya. "But I regretted everything. I regretted what I did to him."

"B-bakit? Na realize mo na bang... M-mahal mo pala siya?" Kinakabahan ako sa isasagot niya.

She just smiled a bit. "I loved him, as a friend. We were bestfriends back then. Pero sinira ko yun. Napakabuti niyang tao. Ang laki kong tanga para lokohin siya." Habang nagsasalita siya, may luhang tumulo sa mga mata niya.

I felt sad for her lalo na kay Sky. Napakabuti niya ngang tao. Hindi ko alam na sa kabila pala ng mga ngiti niya, may masakit pala siyang past.

"I-I need to go. Salamat nga pala sa panyo mo. Heto oh," inilahad niya yung panyo ko sakin pero tinaggihan ko ito. "Sayo na yan, ibigay mo sa taong nangangailangan niyan."

Ngumiti siya at ngumiti ako. Nagpaalam na rin siya. We went into separate ways at napag pasyahan kong umuwi nalang.

Walang Forever!Where stories live. Discover now