Lianna
Sunday na. Napag isipan kong magsimba. Hindi kasi ako nakapag simba last week. Masyado akong naging busy.
Nasa simbahan na ako. Habang nag mi misa, napadako ang tingin ko sa taong nakaupo sa kabilang side.
Ang tatay ko. Kasama niyang nagsisimba ang pamilya niya. Gusto kong maiyak. Nasasaktan ako kasi nakikita ko ang tatay ko na masaya kasama ang bago niyang pamilya.
Iniwas ko nalang ang tingin ko at pinilit makinig sa misa. Pero hindi ko kinaya, nagtatakbo ako sa labas habang umiiyak. May mga taong napapatingin sa akin, pero wala akong paki alam.
Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa isang playground. Kahit medyo blurd ang mata ko dahil natatabunan ito ng luha, umupo ako sa swing at doon na ako nag iiyak.
Doon nanariwa ang sakit ng pakiramdam ko. Hindi ako mahal ni papa. At mukhang hindi niya talaga ako minahal, pareho lang sila ni mama.
Kahit ilang taon na ang nakalilipas, umaasa parin akong babalikan nila ako. Pero parang sinampal sa akin ang katotohanan na imposibleng mangyari yun.
Nagiiyak lang ako hanggang sa naramdaman kong may papalapit sa akin.
"Panyo oh." Tinaas ko yung tingin sa taong nasa harap ko.
"Diba sabi mo ibigay ko to sa taong nangangailangan? O ayan, wag kang mag alala, pinalaba ko yan."
Tinanggap ko ang panyo at pinunasan ang luha ko. "S-s-salamat Kayla.." Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko.
"Bakit ka nga ba umiiyak?" Umupo siya sa katabing swing.
Huminga ako ng malalim. "Y-yung papa ko kasi,"
"Bakit? Anong nangyari?"
"Bata pa ako nun simula ng maghiwalay sila mama at papa. Umalis sila at hindi nila ako sinama. Pero kahit ganoon, umaasa akong babalikan nila ako..." Humikbi ako. "Kaso.. Hindi. Nagkaroon sila ng sarili nilang pamilya. At nakita ko ang papa ko kanina sa simbahan, kasamang bago niyang pamilya."
"O-ow, s-sorry." Tumingin ako sa kanya at yumuko siya.
"Wag kang mag sorry, wala kang kasalanan. Pero alam mo? Habang tinitignan ko sila, para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko. Alam mo yung pakiramdam na parang ikaw ang anak sa labas? Ganun yun eh. Sobrang sakit" tinuro ko ang puso ko. "Sobrang sakit... dito"
"Naaalala mo pa yung sinabi mo sakin nung nakita mo rin akong umiiyak? Ang sabi mo sakin, maayos lang ang lahat. Pero ngayon, ako naman ang magsasabi nun," hinawakan niya yung balikat ko "magiging maayos din ang lahat."
Tumayo siya. "Tara? Bumalik na tayo dun sa simbahan. Pumuslit lang ako dito eh. At tsaka, ipapakilala kita sa mommy at daddy ko,"
Tumango ako at tumayo. Sabay kaming naglakad pabalik. Hindi naman daw ganoon ka halata na umiyak ako.
Pagbalik namin dun, kakatapos lang ng misa. Nagsisilabasan na ang mga tao.
"Ayun si mommy! Tara!" Hinatak niya ako. Nasa harapan na namin ang mommy ni Kayla. Ang ganda ng mommy niya. Magka mukha sila ni Kayla.
" 'my! Nasan si daddy?" Tanong ni Kayla sa mommy niya.
"Ayun na oh." Tinuro niya yung lalakeng papalapit. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya.
"Dad! Halika dali! May ipapakilala ako sayo."
Nakalapit na sila at sa oras na iyon, gusto kong magtatatakbo palayo at umiyak ulit.
"P-papa.." Bulong ko sa sarili ko.
"Dad, this is Lianna, bagong friend ko."
Tumingin siya sa akin at gulat din siya. "L-lianna... anak ko.." Lumapit si papa sakin at sinubukang hawakan ang mukha ko pero malakas kong tinabig iyon palayo.
Hindi ko na nakayanan ang sarili ko, nagtatakbo na ako palayo habang umiiyak. Ang sakit ng nararamdan ko ngayon. Ang sakit ng puso ko.
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko hanggang sa nakarinig ako ng isang malakas na busina. Napapikit nalang ako.
"Lianna?! Ikaw ba yan?! Anong nangyari sayo?!" Tumingin ako sa lalaking iyon na nagsasalita.
"S-sky.." Yun ang huli kong sinabi hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.