Entry No. 9

7 0 0
                                        

Dear Journal,

Masaya ako kasi kahit papano mukhang nagiging close na kami ni Sky. Well feel ko lang. Pero ewan ko, nalungkot ako at the same time nung sinabi niyang hindi rin siya naniniwala sa forever. Bitter kami pareho. Ang pinagkaiba lang namin, eh hindi ko pa naranasan magka lovelife. Eh siya, naranasan na niyang masaktan dahil sa pag-ibig kaya siya ganyan.

Medyo malungkot ako kasi malaki ang posibilidad na hindi niya rin ako magustuhan. Yeah, I like Sky. Obvious naman eh. Pero dahil sa sinabi niya, parang nawalan ako ng pag-asa.

Bitter na siya. Ibig sabihin, baka hindi pa niya kayanin magmahal ulit.

Bakit ba kasi napaka komplikado ng buhay?!

Aaminin ko, masakit sa part kong malaman na si Kayla ang anak ni Papa. Wala naman akong karapatan magalit sa kanya dahil wala siyang kasalanan. Pero parang sinisisi ko rin siya-ang mama niya kung bakit naiwan akong mag isa. Pero mas sinisisi ko ang papa ko. Kasi sana hindi nalang sila nagpakasal ni mama at sana hindi nalang ako na buhay kung iiwan din pala nila ako.

Pero, dapat ko rin bang sisihin ang sarili ko? Kasi wala akong nagawa noon para sana umayos ang lahat?

Haay, pasensya ka na Journal ah? Naging instant sumbungan at bestfriend ko kayo nitong ballpen ko.

Nami-miss ko na si lola.

Ps. Lecheng forever yan! Amp!

-xoxo, Lianna

Walang Forever!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora