Lianna (Late Update)

11 0 0
                                        

"Saan mo ba ako dadalhin?!" Lecheng Renz to eh! Kanina pa hatak ng hatak! Saan saan na kami napadpad!

"....."

Anak ng! Naging instant pipe na siya, ganon?!

"Oy sagutin mo ko!"

Huminto siya. Finally! Mukhang pudpod natong sapatos ko eh! Ang lalaki ng hakbang niya!

"Paano kita sasagutin? Nanligaw ka ba?"

Kinunotan ko siya ng noo. "Huh?" Anong pinagsasabe nito?!

"Tss. Wala, slow mo!" At again, hinatak na naman niya ako -__-

Nagpahatak nalang din ako kasi pagabi na. Hindi pa ako medyo pamilyar sa lugar na to.

"Nandito na tayo."

Tinignan ko ang paligid. Madilim. Walang ka tao-tao.

"Bakit nasa sementeryo tayo?!" Uwaaaah! Nakaka takot dito!! T__T

"Tss. Masyado kang maingay. Umupo ka nalang."

Umupo siya sa harap ng isang puntod. Umupo nalang din ako sa tabi niya habang yinayakap ang tuhod ko. Ang lamig. Ang creepy ng lugar. Like hello?! Di ba siya natatakot?! Pwede namang umaga siya pumunta dito ah? Sana di nalang ako nagpahatak sa isang 'to!

"Ma.." Natigilan ako sa iniisip ko nang biglang nagsalita si Renz sa tabi ko. Nakaharap siya sa puntod habang hinihimas himas ito at inaalis ang mga dahong naka palibot sa puntod.

Rochelle Montalbo

1962-2012

Tinignan ko si Renz sa tabi ko. Kita sa mata niya na malungkot siya. Hinimas himas ko ang likod niya.

Tinignan niya ako at halatang gulat siya. Tila ba ngayon niya lang naalala na kasama niya pala ako kaya umiwas ako ng tingin.

"S-sorry.." Yinakap ko nalang ulit ang tuhod ko at nanahimik.

Hindi niya ako pinansin at ibinalik ang atensyon niya sa puntod ng mama niya.

"Mom.. I.. I miss you so much.." Renz' voice trailed off. Ewan ko pero nasasaktan akong makita siyang ganyan.

"Im so tired mom, I want to give up. I... I badly need you mom.. I suffered too much.. Why does I have to experience this? Please.. Send me an angel mom, because I badly need one." Tumingin siya sa langit at nagulat ako nung may pumatak na luha sa mga mata niya.

Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya. Parehas kaming naiwan. Iniwan. Pero buhay pa sila- yun ang pinagkaiba namin. I guess Im lucky---hell no.

"By the way mom, I-I am with someone," he stopped and glanced on me

"She's..-ano nga pala pangalan mo?" He asked me calmly pero anak ng tupa! Di niya alam ang pangalan ko?! Eh kung maka hatak sakin, akala niya close kami?! Kanina nga lang ininum niya yung bottled water ko eh!

"Hey stupid! Im asking what your name is!" I snapped back. Kitams?! Kung makapag bigay ng nickname, stupid pa?! Aba!!

"Tsk, youre not just stupid, you're deaf and mute."

Aba! Sobra na siya sa pang iinsulto ah!
Lumapit ako sa puntod nung nanay niya.

"Uhm.. Hello po Mrs. Montalbo. Ako nga po pala si LIANNA CORTEZ" sabay tingin kay Renz with matching dilat ng mata "..alam niyo po ba?! Ang sama ng anak niyo!"

"Aba't!! Ako?! Masama?!" Sigaw ni Renz pero di ko siya pinansin

"At yung boses niya rin po, nakaka bingi."

Walang Forever!Where stories live. Discover now