[3] Lianna
-•-•-
"Lianna! Teka lang!" Habol sa akin ni Sky. Tumingin ako sa kanya. Oo nga pala, magkasama pala kami. Huminto ako saglit para hintayin siya.
"Pasok na tayo," tumango ako sa kanya at pinagbuksan niya ko ng pinto. Nginitian ko siya.
"Thanks," tumango lang din siya. Medyo marami raming tao sa National Book Store ngayon.
Nagkahiwalay kami ng way ni Sky. Hiningi niya kasi yung kalahati sa list ng kailangan kong bilhin. Tutulungan niya raw ako.
Dumiretso ako sa section ng mga cartolina. Marami rami rin akong kailangang bilhing red cartolina para gawing designs sa room namin. Kasi nga raw heart. Dapat red. Tsk!
Kumuha ako ng 7 bundles ng cartolina at naghanap rin ng glue at kahit ano pa.
Tinignan ko ang basket ng mga kakailanganin ko at naghintay kay Sky sa bandang counter. Ilang minuto rin akong nag hintay kaso di parin ata tapos si Sky mamili. Sinantabi ko muna ang mga nabili ko at hinanap sa kabilang section si Sky.
May nagkukumpulang mga babae malapit sa book sections. Mula dito, natanaw ko si Sky na masyang ngumingiti sa mga babae.
Isa siyang friendly at approachable na tao. Ma-appeal na tao at hmmm, sige aaminin kong gwapo siya. Di mapagtatakang maraming babae sa eskwelahan ang nagkakandarapa sa kanya.
Matalino siya at mabait. Halos ang mga babae na rin ang pumupunta sa classroom namin at inaaya siyang maging date nito sa Valentines. Tanging ngiti lang ang sagot niya sa mga ito. Masyado siyang mabait para i-refuse ang mga babae.
Siya lang ata ang taong kilala ko na kahit sikat, hindi babaero.
Napansin ata ako ni Sky kaya nagpaalam siya sa mga babaeng pinagkakaguluhan siya.
Ngumiti siya sakin "Kanina ka pa?"
"Hindi naman. Nakuha mo na ba yung kakailangan natin?"
"Ah, Oo." Tinaas niya yung basket na hawak niya at ngumiti.
Nagpunta na kami sa counter at binayaran yung mga materials.
Inaya niya na uminom ng slurpee sa 7-11 na katabi ng NBS. Tutal napagod ako, pumayag din ako. Libre nya daw eh.
Siya na yung nagbitbit ng 4 plastic bags. Gentleman nga talaga siya.
"Anong flavor ng sayo?" Tanong niya ng makaupo kami sa isang stool ng store.
"Strawberry yung sakin,"
Tumango siya at nagpunta sa slurpee machine. Napatingin ako sa bintana may natanaw akong dalawang couples na masayang nag ho-holding hands papasok din ng 7-11. Mukhang nagpaalam muna yung lalake sa babae kaya naunang pumasok yung babae sa store.
Sinundan ko ng tingin ang lalakeng iyun at napansin kong may babaeng nagtatago sa likod ng sasakyan. Lumapit yung lalaki sa kanya at nagyakapan sila. Maya maya rin, nakita kong naghahalikan sila.
Napasinghap ako.
Tinignan ko yung girlfriend ng lalakeng iyon na naka ngiti habang namimili ng groceries. Naaawa ako sa kanya. Wala siyang ka alam alam na niloloko lang siya ng boyfriend niya. Ayoko rin namang maki alam sa buhay nila.
Nakarating na si Sky habang nakangiti at hawak hawak ang dalawang slurpee sa kamay niya. Binigay niya yung sa akin. Nagpasalamat din naman ako. Nagkwentuhan lang kami ng kahit ano. Masarap din pala siyang kausap. Yung tipong hindi ka maiilang.
Napadapo ako ng tingin sa babaeng niloloko ng boyfriend niya na palabas na ng store. Napatingin ako sa direksyon kung saan may kahalikan ang boyfriend niya ngunit wala na sila doon.
Nakita kong lumapit yung babae sa boyfriend niya at yumakap. Yung lalake, may hawak na bulaklak.
Tsk. Kunwari sweet, yun pala, isa siyang malaking manloloko! Nakakaawa naman yung babaeng iyon!
"Ah.. Lianna, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"
I snapped back. Nagkekwento pala sila Sky kaso di ako nakinig. Masyadong napado ang atensyon ko sa labas.
"H-hindi, sorry," yumuko ako. Nakakahiya naman. Nilibre niya pa naman ako.
"Haha! Okay lang yun! Tara na? Pagabi narin eh." Ngumiti siya.
Tumango ako at inubos na yung slurpee ko. Nagpresenta na si Sky na siya na magdadala ng mga pinamili namin. Pinag taxi niya ako kasi babae daw ako. Todo tangi naman ako kasi baka maubos yung allowance ko.
"N-naku! Ayokong mag taxi Sky! Hehe. Nahihilo ako sa aircon eh," pagsisinungaling ko.
"Ganon ba? Ihahatid nalang kita sa sakayan ng jeep"
Tumango ako at nagsimulang maglakad kasabay niya. Medyo malayo layo yung lalakaran namin. Mga ilang blocks pa.
Habang naglalakad kami, bigla siyang nagsalita.
"Ahmm, Lianna.. Anong balak mo ngayong valentines day?" Tanong niya habang diretso lang ang tingin niya sa daan.
Kinunotan ko siya ng noo.
"Malamang, aasikasuhin yung booth natin. Kasi nga diba, sabay yung foundation day at Valentines?"
Nagkamot siya ng ulo "A-ah, oo nga pala no? S-sige, nandito na tayo." Huminto siya sa paglalakad at nandito na pala kami sa terminal ng jeep.
"Salamat sa pag sabay ah? At thankyou sa libre!" Nginitian ko siya at ngumiti rin siya. May natatanaw na akong jeep na sasakyan ko.
"Sige Sky, anjan na yung jeep. Babye, thanks sa company mo! Nag enjoy ako kahit papano." Nginitian ko siya at iniwas niya yung tingin sakin. Anong problema niya?
Nasa tapat ko na yung jeep. Sasakay na sana ako kaso tinawag niya ako.
"A-h Lianna,"
"Ano yun?"
Lumapit siya sakin at nagulat ako ng hinalikan niya yung pisngi ko. "Goodbye, Ingat ka." Ngumiti siya.
Natulala ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya mabilis pa sa alas kwatro akong umakyat sa jeep.
Okay, what did just happened?! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Anong nangyayari sakin?!