[6] Lianna
"Goodmorning Lianna!" iyon agad ang bati ng magkita kami ni Sky dito sa classroom.
Hindi ko siya pinansin at nagdidiretso lang sa upuan ko. Napag isip isipan ko kasi kagabi na dapat iwasan ko na siya. Ewan ko kung bakit pero iyon ang desisyon ko. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip kay Sky. Hindi ko rin alam kung anong dahilan kung bakit iniisip ko siya!
Bumibilis bigla ang tibok ng puso ko kapag naiisip ko siya o naiimagine ko ang mukha niyang nakangiti ng malawak.
Minsan napapaisip ako. May gusto ba ako sa kanya? Iniiling iling ko agad ang ulo ko. Hindi pwede! Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya! Masasaktan lang ako. Sikat siya at naalala ko yung litrato nila nung si Kayla Ferrer.
Maganda yung babaeng iyon. Walang wala akong panama sa kanya. At tsaka, napaka imposibleng magkagusto sakin si Sky noh!
Napaka friendly niya at magaan siyang kasama. Kumirot bigla ang isip ko nung ma realize kong ganoon din pala siya sa iba. Tumingin ako saglit kay Sky at nakita ko siyang nakikipag usap sa iba kong mga kaklase habang masayang tumatawa ang nakangiti.
Wala lang talaga ako sa kanya. Nag assume ako na may gusto siya sakin. Iyon ang naiisip ko kagabi. Masyado kong binigyan ng kahulugan ang paghalik niya sa pisngi ko at yung text niya.
Gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader. Geez, nag assume ako.
Napatingin sakin si Sky at mukhang napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Agad akong umiwas ng tingin. Tatayo sana siya kaso biglang pumasok yung adviser namin.
Hindi siya nag discuss pero pinaalalahan niya lang kami especially ako dahil bukas na pala yung foundation day namin.
Hala! nakalimutan ko! masyado akong napadala sa pag iisip sa ulap na yun!
Nung makalabas na si maam, agad akong nagpunta sa harap.
"Mag ready na tayo para bukas guys!"
Agad din naman silang tumayo at nagsipwesto na. Ako yung organizer ng designs. Sa classroom lang yung venue. Dahil blind date ang theme namin, pinwesto na namin yung table setting na assigned sa isa naming officer.
Halos mapuno ng color red yung mantel. Color red yung skirting ng upuan at red and white naman sa tables. Napag isipan naming candle light yung sa gitna para mas romantic at maraming mga estudyante ang dumagsa.
Tumulong ako doon sa mga kaklase kong kasalukuyang nag kakabit ng nga heart shaped cartolina sa dingding.
Kinuha ko yung upuan at pumatong. Pinilit kong abutin yung dingding kaso dahil medyo hindi ako mataas at pinilit kong abutin iyon, nadulas ako at nararamdaman kong mahuhulog na ako. Napapikit nalang ako.
Kaso naramdaman kong hindi ako sumayad sa lupa. Dumilat ako at nakita ko ang pagmu mukha ni Sky na alalang alala. Nasalo niya pala ako. Ang lapit ng mukha niya sakin. isang maling galaw lang, maglalapat na yung labi namin. Halos di ako makahinga.
"Ok ka lang, Lianna?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. I felt a tight knot on my stomach.
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.
"O-oo." Dahan dahan kong itinayo ang sarili ko. Tinignan ko siya. "T-thanks," bulong ko at naglakad na palayo sa kanya. Lumabas ako at dire-diretsong lumabas. Kailangan ko ng hangin. Hindi ako makahinga!
Naramdaman kong may humatak sa braso ko. Paglingon ko, si Sky.
"M-may kailangan ka?" Kunot noo ko siyang tinignan.
"Tell me, Lianna, iniiwasan mo ba ako?"
Napansin niya? "H-hindi ah! Bakit naman?" Yumuko ako pero tinaas niya yung baba ko para mapatingin sa kanya.
"Tell me the truth straight into my eyes." May authority na sabi niya. Napalunok ako at huminga ng malalim.
"H-hindi kita iniiwasan. There. Nasabi ko na, kaya pwede ba, aalis muna ako." sabi ko at tumingin sa kanya ng diretso pero lunok lang ako ng lunok. Napaka lalim ng tingin niya.
"Kung hindi mo ako iniiwasan, then tell me what's the problem."
"W-Wala naman aking problema ah."
"I know there is." Yumuko siya "is its because I kissed you last night?"
Napatingin ako sa kanya. Di ako nakasagot.
"So yun nga." Bulong niya. "Sorry.." Aalis na sana siya kaso tinawag ko siya.
"U-uhm., ano eh, ano.." Di ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
"Ano ka ng ano! Ano nga?"
Huminga ako ng malalim. "Oo na! Iniiwasan kita kasi sa tingin ko may gusto ako sayo! Oo na! May problema ako! Simula kagabi, hindi ka mawala sa isip ko!" Napatakip ako bigla sa bibig ko. Did I just hella tell him what I felt?!
Tinignan ko ang mukha niya at gulat yung expression niya. Kaya lang napalitan ito ng isang matingkad na ngiti.
"W-wag ka ngang ngumiti!" Sabi ko sabay iwas ng tingin. Nag b-blush siguro ako dahil sa kahihiyan.
"Bakit ba? Masaya ako eh,"
Tumingala ako sa kanya.
"H-huh?"
"Thanks" sabi niya sabay ngiti. Napakunot ang noo ko.
"Para saan?"
"Basta. Balik na nga tayo sa room! Nakakahiya naman sa kanila. Mismong si Ms. President and Mr. Vice President ay bigla na lang umalis."
Hala! Oo nga no?! Nawala bigla sa isip ko.
Sabay kaming naglakad pabalik sa classroom at patapos na din sila. Mga konting finishing touches nalang ang kulang.
"Tapos na ba kayong magharutan sa labas, love birds?" Asar ng isa kong kaklase samin sabay taas baba ng kilay.
Agad nag init ang mukha ko.
"Mukhang magiging maganda ang kalalabasan ng booth bukas!" Komento ng isa ko pang kaklase sabay tingin ng makahulugan sa aming dalawa ni Sky.
O-okay? That was weird.