Dear Journal,Natapos ang booth namin ng matiwasay. Maraming couples ang bumili ng ticket namin. Mukha silang masaya. Nagulat ako ng makita ko yung babae at ang boyfriend niya (Yung nasa 7-11) na bumili din ng ticket. Magkasama parin sila, yung babae, masayang masaya na inaakbayan ng boyfriend niya.
Tinignan ko sila kanina. Ang sweet ng boyfriend niya sa kanya. Kaso, naawa ako sa babae. Hanggang ngayon, hindi niya alam na pinagtaksilan pala siya ng boyfriend niya. Hanggang kailan niya kaya malalaman?
Nagtataka ako dahil simula noong bumalik kami dito sa booth namin, hindi na umiimik si Sky sa akin. Parang iniiwasan niya ako. One time linapitan niya ako, akala ko kakausapin niya ako pero binigay niya lang sakin yung picture namin. Pero kulang ng isa, wala na dun yung picture na hinalikan niya ako.
Tatanungin ko sana siya kaso lumabas lang siya ng classroom.
Ramdam ko ang pag kirot ng puso ko habang naaalala ko yun.
Galit ba siya? May nasabi ba akong masama sa kanya? Bakit niya ako iniiwasan?
Nag search narin ako sa internet kung anong meaning ng 'red tulip' sa dictionary ng flowers. At hindi ko inaasahan ang ibig sabihin pala nun ay "Confession of Love"
Kinikilig ako pero at the same time malungkot. Bakit niya ba kasi ako iniiwasan?!
Mukhang hindi na naman ako makakatulog nito mamaya, buti nalang walang pasok bukas.
Haaay.
Ps. Happy Valentines sa iyo Journal! Pero wala paring forever.
-xoxo, Lianna
