Dear Journal,
Day 3 na ng paghahanda namin sa booth. Napag pasyahan namin ng mga officer kung sino ang magdadala ng materials. Ako ang tig organize kasama ng Vice President ko na si Sky Lee. Hinati hatian namin ng klase ang kailangan nilang gawin.
Maaga kaming pinauwi kasi busy rin ang mga prof kaya napagisipan kong bumili nalang din ng mga materials na kakailanganin. Nagulat ako ng sunod ng sunod si Sky sa akin. Ang sabi niya, sasamahan niya raw ako.
Nag kibit balikat nalang ako at hinayaan siyang sumama sakin. Total, VP ko rin naman siya kaya dapat lang tulungan niya ako.
Kahit ang mga walls ng National Book Store eh may mga heart shaped papers na nakadikit. Kahit saan ako mapatingin, may mga hearts na at drawing ni Cupid. Pwe! Sige na oo na! Bitter na ako! Kasi nga, walang forever!
-xoxo, Lianna
![](https://img.wattpad.com/cover/40722906-288-k573284.jpg)