Kabanata 5

1K 44 11
                                    

Veronica

Nakangiti nitong inilapag ang mga binili. Nagtaka pa ako nang tumama ang tingin ko sa dalawang plastik ng ulam at kanin na itinabi niya.

Mukhang napansin niya rin ang pagtataka ko kaya napahawak ito sa batok. “Uhm, para kay Kimberly iyan.”

Wait? Seryoso ba talaga siya?

“Huy, alam mo, nahihiya na ako,” sabi ko rito na natigilan.

“Why?”

“Hindi ka ba pinapagalitan ng parents mo dahil lagi mo kaming nililibre ni Kimmy? Baka maubos ang allowance mo niyan.” Kahit naman siguro ako kung may malaking halaga na allowance, kapag puro gastos ay nanghihinayang din ako.

Pero nang ngumiti ito at sumagot ay tuluyang nawala ang alinlangan ko.

“This is my own money, Veronica. Hindi ako nanghihingi ng allowance sa parents ko.”

“Talaga? E, saan naman nanggagaling ang pera mo?”

Sa sunod nitong sinabi ako napatanga nang sobra.

“I have my own clothing line.”

“Oh, e, dapat bentahan mo ako ng mga damit mo!” paghahambog ko sabay kunwaring labas ng cash at ipinalipad iyon sa ere.

Natawa naman ito sa nasaksihan.

Kumain na rin kami matapos niyon.

Hanggang sa mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Patuloy lang ako sa pag-aaral, habang nililibre pa rin ako ng agahan, tanghalian, minsan pa ay hapunan ni Gabriel. Wala naman itong sinasabi na takot siyang magutuman ako, pero ang mga pinsan niya at kaibigan, iyon lagi ang bukambibig sa akin.

Araw ng Biyernes n’yon, idineklarang walang pasok dahil sa activity na gaganapin sa school. Plano na namin ni Kimmy na mag-jogging niyon dahil wala naman kaming gagawin. Maglalaba lang ako mamaya dahil abala na ako sa Sabado at Linggo.

“Kimmy!” kalampag ko sa pinto ng bahay nito. Alas cinco pa lang kaya madilim-dilim pa.

Naka-ready na ako suot ang aking leggings na itim, saka t-shirt na puti. Wala na akong ibang dala maliban sa wallet para may pambili ng tubig at makakain mamaya.

“Kimmy!”

Mukhang tulog pa ata ang bruha na iyon. Siya itong ang lakas-lakas magyaya na mag-jogging kami, e!

Sa ikatlong katok ko ay bumukas na ang pinto. Pero si Tita Lany iyon na nanay ni Kimmy. Nakangiti ko itong binati sabay tanong na rin kung gising na ba si Kimmy.

At doon, nalaman ko ngang tulog na tulog pa ang babae.

Napakamot na lang ako ng sentido bago pumasok at gisingin ang babaita.

Agad naman itong nagising at nagbihis.

“Oh, bakit parang tinatamad mag-jogging? Nasaan na ’yong plano kahapon na tuloy-tuloy na ang pagpapapayat mo?” sabi ko rito matapos naming makapagpaalam kay Tita Lany.

Napakamot tuloy ito ng ulo. “Lamig kasi, e. Nakakaantok.”

Inismiran ko ito bago mag-umpisang maglakad. “Saan tayo ngayon nito?”

“Doon na lang sa park! Tiyak na wala masiyadong tao roon,” suhestiyon niya na agad ko namang tinanguan.

Tulad ng plano, doon kami nagtungo. Lakad lang kami ng lakad papunta sa park. Pagdating namin doon ay saka lang kami nag-umpisang tumakbo paikot sa buong park.

Inabot pa kami ng isang oras sa pagja-jogging na may halong lakad, bago kami makabalik sa entrance ng parke.

Pero nagulat ako nang kalabitin ako ni Kimmy sabay nguso sa grupo ng kalalakihan na nakatambay sa gilid.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon