Kabanata 8

956 36 6
                                    

Veronica

Sandali akong natulala rito. Wala na ang kabaitan sa mukha nito dahil napalitan na iyon ng seryoso at matigas na ekspresiyon. 

Sinamaan ko ito ng tingin. “Ano pa ba ang kailangan mong marinig mula sa akin? Ha? Ah! ’Yong mga perang ibinigay mo sa akin? Ibabalik ko, sige!” sabi ko at akmang tutunguhin ang kuwarto nang pigilan ako nito sa braso.

“I don’t need that money!” Bahagyang tumaas ang boses nito na ikinapiksi ko.
“All I want is your attention, Veronica! Oo, gusto kita! And I’m willing to wait for you. Hihintayin kita,” aniya na ikinalaki ng mga mata ko.

Pakiramdam ko ay sumikdo ang puso ko nang sabihin niyang gusto niya ako. Alam ko naman iyon, pero nang sa kaniya na manggaling ay para akong mababaliw. Nagtatatalon ang puso ko sa saya, ngunit kalakip niyon ang takot at pagkalito.

Kinalas ko ang kamay nito sa braso ko at unti-unting napailing. “Gabriel, nahihibang ka lang. Hindi mo ba nakikita ang sitwasiyon ng buhay ko? Mahirap ako, basagulera at maldita! Ganitong babae ba ang deserve mong hintayin? Kahihiyan lang ako sa buhay mo. Ang dapat na pinapatos mo ay ang babae na kabaliktaran ko,” naiiyak ko nang turan dahil bawat salita na lumalabas sa bibig ko ay parang kutsilyo na tumatarak sa dibdib ko.

Ayokong gustuhin niya ako. Ayokong ipilit pa niya ang nararamdaman at lumampas kami sa pagkakaibigan dahil natatakot din ako para sa sarili kong unti-unti nang nagugustuhan siya.

Akala ko ay magbabago na ang isip nito dahil sa sinabi ko, pero iba ang nangyari.

This time ay lumambot na ang tingin nito at masuyo akong pinagmasdan. Siniguro nito na hindi ako makakawala sa paningin niya kaya pakiramdam ko ay ang sikip-sikip ng espasyo ng kusina.

“Nag-aalala ka ba sa sasabihin ng iba?” mahinahon niyang tanong at marahang hinaplos ang pisngi ko. “Iyon ba ang inaalala mo kaya gusto mo akong iwasan?”

Nag-iwas ako ng tingin nang panghinaan ng tuhod. “Hindi lang ako nag-aalala sa sasabihin ng iba, pati sa iyo ay nag-aalala ako, Gabriel. Gaga ako at basagulera. Narinig mo? Nakikipag-away ako sa kahit sino. Kaya bakit hindi ka natu-turn-off? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako gumamit ng gayuma,” kunot-noo kong turan.

Napangiti naman ito at hinaplos-haplos ang ulo ko. “Kahit ako, hindi ko rin alam kung bakit nagkagusto ako nang ganito sa iyo. I don’t really care about your flaws.”

“Hibang ka na nga!” akusa ko na hindi makapaniwala. Ano bang klaseng tao ito? Gustong-gusto niya ng babaeng tulad ko? What the heck? Hindi ko alam kung parehas lang ba kaming may saltik dito o ito lang. Lumayo ako rito bago ituro ang pinto. “Umalis ka na, Gabriel. Nag-usap na tayo kaya umalis ka na.”

“I’m not yet done with you, Veronica,” aniya na sumeryoso muli.

“Ano pa ba ang pag-uusapan?” inip kong tanong.

Gusto kong umalis na ito para mapahinga ang isip ko. Gusto kong iproseso muna ang lahat dahil hindi ko talaga alam kung ano ang nagustuhan nito sa akin. Maganda lang naman ako, pangit naman ng ugali. Hindi ba’t turn-off iyon? Kahit sino naman ay aayaw sa pangit ang ugali.

Lumapit ito at tumapat sa akin. Hindi ako nito tinantanan ng tingin kahit nang humawak ito sa pinto namin.

“Hindi ako titigil sa paglapit sa iyo, Veronica. Ayoko rin na iniiwasan mo ako. Kapag ginawa mo ulit iyon, pupuntahan na kita araw-araw rito.”

Isang halik sa pisngi ang iniwan nito sa akin bago tuluyang umalis.

What the heck?

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Kaya kinabukasan ay bangag na bangag ang utak ko pagpasok.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon