Kabanata 7

1K 44 12
                                    

Veronica

LUNES ng umaga. Nang mapadaan ako sa tindahan ni Aling Linda ay napansin ko pa si Popoy na sumisimple ng matatalim na tingin sa akin.

Inirapan ko naman ito bago dumeretso sa tindahan sa tabi.

"Pabili nga ho ng ballpen," sabi ko sabay dukot ng barya sa wallet.

"Ako rin, Ate," singit ni Kimmy sa tabi ko.

Nabigla pa ako nang hawakan nito ang small brown backpack ko at tila tinitimbang kung may laman ba.

Kalaunan ay napanganga ito sa akin.

"Hala! Nilagyan mo ba ng bato itong bag mo?"

Inirapan ko ito sabay bawi ng bag at inayos ang pagkakasukbit niyon. "Shunga ka ba? Mga notebook ko 'yan at yellow paper!"

"We?" hindi makapaniwalang anito sabay bukas sa bag ko. Natulala pa ito nang makitang nagsasabi ako ng totoo.
"Hala, ano ang nangyari sa iyo, Mare? Kumpleto ka na sa gamit ngayon, a! Wala na rin ang mga basura sa bag mo! Nagbagong-buhay kung kailan patapos na ang school year?"

Inirapan ko ito at isinara ang bag. "Bakit? Masama ba magbago? E, sa nananawa na ako sa palagiang paghingi ng papel sa iyo, e. At saka kawawa naman ang nag-iisa kong notebook. Laspag na laspag na iyon." Na-realize ko rin na magkokolehiyo na ako sa susunod. Dapat mas seryoso na ako sa pag-aaral.

Hindi dapat dugyot sa gamit. Dapat may sarili nang papel at ballpen. Kasi nakakahiya sa lalaki na malinis sa sarili at sa gamit at lagi pang fresh.

Ay, teka. Bakit ko ba iniisip ang Gabriel na iyon? Aist!

Naglakad na rin kami papunta sa school matapos makabayad sa tindera.

"Mare, may online application na sa university. Tumatanggap na sila ng incoming first year college. Kyaa!"

Suminghap ako sa narinig at mariing kinagat ang ibabang labi. "Hindi ko alam kung makakaya ko bang suportahan ang sarili ko kapag nag-college. Tiyak na mas malaking gastusin iyon."

Iyon ang isa pang problema ko maliban sa hindi ko alam kung ano bang kurso ang kukuhanin ko.

"Edi magpatulong ka sa mga kapatid mo. Balita ko, rumaraket ang mga iyon sa Hapon daw na mayaman. Lagi ngang nag-uuwi ang mga iyon ng pera, e."

"Binibigyan naman nila ako. Kaso bihira lang kapag sinuwerte. Hayaan mo na lang, gagawa na lang ako ng paraan." Napabuntong-hininga ako at tinanaw ang school sa unahan-ang building namin. Sa likod lang niyon ang building ng college. "Ano pala ang kukuhanin mong course?"

"Business Administration ako, Mare. Doon na lang tayo. Tapos mag-business tayo in the future ng mga baril."

"Gaga!" Pinitik ko ang noo nito. "Baril sa iyo? Sa akin, mga malalakas na bomba! At saka 'yong ano, iyong bomba na amoy tae. Para hindi makahinga ang mga kalaban!"

Humalakhak ito sa sinabi ko at nagtatatalon sa tuwa. "New goals na naman, Mare! Excited na akong magbenta ng armas! At saka dapat business partner tayo forever, 'di ba?"

Tumango-tango naman ako at tinapos namin ang usapan sa pamamagitan ng pag-apir.

"Oh, ganda ng ngiti, a? Mukhang may plano na naman."

Napatingin ako kay Allen na nakatindig sa pintuan ng classroom.

Nginisian ko ito sabay tawa nang nababaliw. "Kailan ba ako nawalan ng plano? Always akong may plano sa buhay, Allen. Masama nga lang."

"Ayan na naman tayo, e. Kalokohan na naman," natatawa niyang wika sabay alis sa pintuan.

Pero pagpasok ko pa lang nang makarinig na agad ako usapan sa gilid.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon