Kabanata 24

1.1K 46 7
                                    

Veronica

NAKAPLANO na ang kasal next week. Inasikaso na rin iyon ni Gabriel kaya petiks-petiks lang ako sa bahay niya.

“Saan ka ba nagtatrabaho ngayon, Gab-Gab?” tanong ko rito habang nakahilata at nakikinood ng videos sa phone nito. Ang ganda kasi at ang laki.

Unlimited din ang Wi-Fi niya rito kaya naaadik akong manood ng mga tutorials sa internet. Tutorials kung paano yumaman at mangurakot.

“May vet clinic akong pag-aari, pero naka-one week leave ako ngayon. Si Kuya Ruel ang namamahala ng clinic ko as of now.”

Tumingin ito sa akin habang inaayos ang relo.

“E, saan ka pupunta?” Bumangon ako at ibinalik dito ang phone.

Yumukod pa ito para halikan ako na hindi ko na iniwasan. “Bibisita ako sa clothing business ko. Sama ka?”

“Siyempre!” tili ko bago nagmamadaling nagbihis. Kaliligo ko lang naman kaya pinalitan ko lang ang damit ko. Isang simpleng bestidang kulay asul na hanggang tuhod. Isinuot ko ang sandals bago kuhanin ang shoulder bag na bagong bili rin.

Ang buhok ko ay itinali ko lang nang pa-ponytail bago humarurot pabalik kay Gabriel at isinubsob ang katawan dito. Natawa ito nang mahina bago ako yakapin at pisil-pisilin.

“Why do you have to be so beautiful, kahit pa ang kulit-kulit mo? Damn. You’re so tempting, Veronica,” mariin nitong turan na ikinaalsa ng kilay ko.

Mabilis akong lumayo rito at umismid.
“Tara na, tara na!” excited kong aya at nauna na pababa.

Nagtahulan pa ang mga aso nito nang makita kaming palabas.

Yeah, mahilig talaga siya sa aso.

Nang makasakay kami sa sasakyan niya ay agad niya iyong pinaandar. Excited na excited pa ako dahil gusto ko talagang makita iyong negosiyo niya.

Hindi rin naman nagtagal ang biyahe at huminto rin iyon sa tapat ng mga establisyimento.

Maingay na kalsada ang sumalubong sa akin pagkababa ko. Mainit na dahil sa tirik na araw ng katanghalian kaya agad akong sumilong.

Hinigit naman ako ng lalaki kaya sumunod ako rito habang inililibot ang tingin sa paligid.

Aristocrático Clothing . . .

Iyon ang nabasa kong pangalan ng store na pinasukan namin.

“Good afternoon, Sir Gab!” sabay-sabay na bati ng mga tauhan doon na ikinatayo ko nang tuwid.

Naalis ang pagmamasid ko sa paligid at hinarap ang mga bumati sa kaniya at matamis na ngumiti.

“Good afternoon din,” sagot ng lalaki bago ako balingan. “I want you to meet my fiancee. Her name is Veronica.”

Isa-isa pang nagpakilala ang mga tauhan niya kaya napahalakhak ako sa isipan. Maiingay ang mga ito at makukulit kaya nakasundo ko agad.

Si Gabriel naman ay may inasikaso roon. Wala pa namang kustomer kaya nakipag-chikahan lang muna ako sa kanila.

“Gagi! Nasunog kaya ang kilikili ko sa ginamit ko!” anang Julia sabay kapa sa magkabilang kilikili.

“Ano ba ginamit mo? Apoy?” taas-kilay kong tanong. Nagkasundo agad kami dahil parehas may kanal behavior.

“Akala ko kasi tawas iyong nakuha ko, oxalic pala. Hapdi, sobra!”

“Hala ka, baka tutubuan ka na ng pakpak diyan!” pang-aasar ko at humalakhak nang sumimangot ito.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon