Kabanata 13

843 43 12
                                    

Veronica

“OKAY lang ba ito?” anang Kuya Damien habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin.

Simpleng pants at polo lang ang suot nito. Ganoon din si Kuya Damian. Hindi ko alam kung bakit pumayag sila agad kanina nang sabihin ko na personal na nag-imbita sa akin iyong si Robert.

Hindi ko alam kung ano ang pakay nila roon at ganito na lang kaseryoso habang naghahanda kami sa pag-alis. Si Tatay, nabanas nang malaman na pupunta kami sa lungga ng mga kadugo ng nanay namin.

Hindi ba kayo nag-iisip na baka ipahiya lang kayo roon ng pamilya ng nanay ninyo?!” ang eksaktong sinabi niya kanina.

Napahinga na lamang ako nang malalim.

Paglabas namin ay may nakahinto nang kotse sa amin. Purong itim na kotse na kay kintab.

Natigilan tuloy ako at nag-alangang pumasok.

Ngumiti sa amin nang bahagya ang driver ng sasakyang iyon. “Ako ho ang pinadala ni Sir Robert para sunduin kayo.”

Doon lang nawala ang agam-agam ko at naunang sumakay. Naging payapa ang biyahe namin papunta sa bahay ng birthday celebrant. Napapagitnaan ako ng dalawa kong kapatid na papasa nang bouncer dahil sa laki ng katawan.

Napapakinabangan naman iyon dahil natatakot ang iba na kalabanin sila. Sinabayan pa ng pagiging tahimik at seryoso ng mga kapatid ko ngayon. Nabahala tuloy ako na baka may gawin ang mga itong kalokohan mamaya.

Ibinaling ko ang atensiyon sa unahan at napalabi. Alas siete y media kami umalis ng bahay. Alas ocho naman ang umpisa ng party.

Tiyak na puro mayayaman ang naroon. Actually, kinakabahan na ako kanina pa.

Gusto ko mang magsinungaling ay hindi ko naman maitatangi sa sarili ko na may maliit na parte sa akin na nais ring makita ang nanay ko. Kung ano ba talaga ang hitsura nito sa personal. 

Sa kaniya ba talaga ako nagmana?

“Nandito na po tayo,” mahinahong wika ng driver kaya lalo akong nanlamig sa kaba.

Hay. Mas nakakakaba pala ito kaysa sa away sa school.

Isang malaki at marangyang bahay ang bumungad sa amin. Sa tapat ng malaking gate ay nakaparada ang iba’t ibang sasakyan na kay gagara rin. Malawak kasi ang space sa labas ng gate rito. Sementado pa. 

Pagbukas ng gate ay sinalubong kami ng iba’t ibang ilaw. Parang disco at nagkakatuwaan pa ang ilang mga mukhang matapobre. Ilan lang naman.

Nahigit ko ang hininga nang mapansin na puro mga pormal ang suot nila. Naka-tuxedo ang mga kalalakihan, kaibahan naman sa suot ng mga kapatid ko. Gosh!

“Invitation card, Ma’am, Sir,” pukaw sa amin ng nagbabantay sa gate kaya dali-dali kong inabot ang kanina pa hawak na sobreng may laman na card. “Pasok na po kayo. Enjoy the party, Ma’am, Sir.”

Tumango ako rito bago magpasalamat. Tama lang ang lakas ng tugtugin kaya nagkakarinigan pa rin ang mga tao roon.

Nang ilibot ko ang tingin ay napansin kong napakalawak talaga ng lugar. May stage rin doon na maliit. Marami rin ang naroon at hindi ko alam kung sino-sino sa kanila ang kadugo namin.

“Saan tayo?” ilang kong tanong kay Kuya Damian na tahimik lang na nagmamasid habang nakapamulsa. ’Di niya nga alintana ang mga tingin na ipinupukol sa amin ng iba. Nagtataka siguro kung sino kami.

“Veronica!”

Mula sa gilid ay nakarinig ako ng mahinang tili. Paglingon ko ay si Thylane pala na nakikipaghalubilo sa mga dalagang bisita roon.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon