Kabanata 31

1.3K 55 5
                                    

Veronica

KUNG may maganda man siguro akong nagawa sa buhay, isa na siguro roon ang makipagbati kay Gianna at Jelyn.

Kasama ko na ang mga ito na mag-shopping, magpaganda, at tumambay sa kung saan-saan kapag trip namin.

Kasabayan kong magbuntis si Gianna na nadali noong gabing nagpakalasing. At ang gaga, tuwang-tuwa pa nang ibinulgar sa amin ni Jelyn na ginapang niya ang kuya ko. Ayaw raw kasi ni Kuya na mang-take advantage ng babaeng lasing at wala sa sarili. Kaya siya na ang nag-first move. ’Di na tuloy natuloy ang engagement nila niyong lalaki na dapat ay pakakasalan niya.

At dahil doon, tumaas na naman ang presyon ng dugo ng nanay at lola niya. Si Kuya naman tuloy ang napagbuntungan ng galit ngayon. Nagtungo ang parents nito noong mga nakaraang buwan dito dahil hinahanap si Gianna, at doon na nila nalaman na butete na ang babae.

Pinapauwi nila pero ayaw na umalis sa tabi ni Kuya Damian. Mag-aasawa na raw siya. Ayun, umuwing nagngingitngit ang parents nila na kaya tawang-tawa ako.

Wala na rin namang nagawa kasi apo rin nila ang dinadala ni Gianna. Isinumpa pa ng Mama nila si Gianna at Kuya at sinabihan na huwag na huwag lalapit sa kanila kapag nagkaproblema lalo’t dukha ang pinili ni Gianna.

Natatawa na lang ako kapag naaalala iyon.

Ilang buwan na rin simula nang umuwi sa bahay si Papa at asawa nito, pati na ang bunsong kapatid ko. Pina-deport iyong banyagang mayaman na baliw kay Mama dahil napatunayang naghahasik ng lagim dito sa bansa, na nanggugulo sa buhay ng mag-asawa. Tropang Adonis lang din at mga pulis ang umasikaso sa problema nina Papa at Mama kaya nakabalik na rin ang mga ito sa bahay namin noon.

At ngayon na may mga friend na akong galante, kung saan-saan na ako nakakarating dahil marami silang alam na paggagalaan. Paminsan-minsan ay isinasama ko si Kimmy para makagala. Madalas kasing humindi sa galaan si Kimmy dahil busy sa business at sa pamilya.

At sponsored by my rich husband ang gala ko at pambili ng mga kung ano-ano. Isinasama ko kasi ang mga bata sa galaan dahil wala rin namang magbabantay sa kanila sa bahay. Isa pa, behave naman masiyado ang dalawa kaya hindi sakit sa ulo sa biyahe. Hindi naman kasi sumasama sa amin si Gabriel dahil busy sa clinic at isa pa, gusto niya rin ang bonding namin nina Gianna at Jelyn.

“Saan pala nagtatrabaho ngayon si Kuya?” tanong ko kay Gianna habang namimili ng damit para sa dalawang tiyanak sa tabi ko.

Ngumiti naman ito sabay kuha ng isang pang-baby na damit. Para sa dinadala niyang bata na nalaman naming lalaki ang gender. Lalaki rin ang dinadala ko kaya malamang, hindi pa titigil si Gabriel kakakayod sa akin hanggang sa magkaroon kami ng anak na babae. Taon-taon na lang akong buntis. Nagsasawa na rin siguro ang bahay-bata ko.
 
“Doon siya nagtatrabaho sa restaurant na ipinamana ng lola mo kay Tita Saniarah. Waiter siya roon,” anito na ngingiti-ngiti.

Napangiti tuloy ako. Akala ko noon, habang buhay na tambay na lang si Kuya Damian matapos makalaya, e. May pagkamatino naman ito. ’Di lang nag-college dahil mas gusto nila na ako na lang ang gastusan para makapag-aral. Si Kuya Damien na lang ang wala pang inaasikaso ngayon.

Sa may pambabaeng damit ako napadpad matapos makapili para sa dalawang paslit.

Wala pa naman akong anak na babae kaya naisipan kong bilhan na lang si Victoria.

Iyong batang ’yon, maldita pero laging ako ang kinukulit sa bahay. Nagpapahatid sa mama niya dahil may bagong kotse.

Doon na talaga sila tumira sa pina-renovate kong bahay namin noon.
Iyong bahay ng mga Alonzo roon, binenta na dahil wala na rin namang titira roon. Iyong pera na benta nila, binili ng ilang ektaryang lupa sa kalapit na lugar para may mapagkaabalahan si Papa. Si Mama naman ang naiiwan sa bahay at bumabawi ito sa mga panahong wala siya. Minsan ay dumadalaw ito sa bahay namin para makapag-bonding sa mga bata, at para suyuin ako.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon