Kabanata 19

878 39 6
                                    

Veronica

Hinintay ko hanggang sa kusa nang sumuko si Gabriel. At dahil nga hindi naman ito sanay, bagsak agad ito matapos ang halos isang oras.

Napailing ako bago tumayo at sinubukang hilahin ito sa braso, pero ang bigat. Napakabigat!

Binalingan ko si Allen na natatawa habang nakatingin sa akin.

“Patay ka kapag dinaganan ka niyan, Maria! Baka disgrasya ang abot at ’di na matuloy sa pag-a-abroad!”

Nakatikim ito ng pitik mula sa akin at singhal.

Pinagtulungan naman naming ilabas si Gabriel na hindi na rin makatindig nang maayos. Mabuti na lang at may mga lalaki roon na puwedeng umalalay.

Kahit sila kasi ay hanggang balikat lang ni Gabriel. Walang-wala rin ang mga katawan nila kumpara sa lalaki kaya hindi kaya kung isa lang ang aalalay.

Isinakay ito sa tricycle na napadaan papunta sa amin. Wala rin naman akong choice kundi ang patulugin ito sa bahay para lang masigurong safe ito at ang mga personal na gamit nito.

Nagpasalamat ako sa tropa ni Allen matapos nilang mailapag sa higaan ko ang lalaki.

Akala ko ay hindi na ito gigising kaya nang magmulat ito ng mga mata ay pumalatak ako.

“’Yan ang napapala mo! Magtiis ka sa papag ko dahil ang tigas-tigas ng ulo mo!”

Binato ko ito ng bagong palit na punda kong unan na bulaklakin saka sinamaan ng tingin.

Kinuha niya naman iyon at inunan kaya tumalikod ako para ibalik sa higaan nila ang mga anak ni Rosalinda na gusto pang tumabi kay Gabriel.

Matapos ay kumuha ako ng extra-ng kumot at muling ibinato iyon sa mukha niya sa sobrang pagkabanas.

“Thank you.”

Hindi ko ito pinansin at lumabas lang ng kuwarto.

Napahinga na lang ako nang malalim dahil wala pa ang mga kapatid ko. Wala rin si Papa. Nasaan na naman kaya ang mga iyon?

Pinatay ko ang ilaw sa sala nang marinig kong paulit-ulit akong tinatawag ng lalaki sa kuwarto.

“Ano ba?!”

Lumamlam lalo ang mga mata nito sa inasta ko.

“D-Don’t leave, please . . .”

Natunaw naman ako bigla at na-guilty. Kung bakit ba naman kasi ganito ito ngayon. Bakit nagpapaawa masiyado?!

Kinalma ko ang sarili bago maupo sa tabi nito.

“Tawagan mo na lang ang mga pinsan mo. Sabihin mo, sunduin ka rito,” mahinahon kong turan bago itutok dito ang fan.

“I-I can’t,” aniya na mabilis kong kinunotan.

“Bakit? Alangan namang dito ka makitulog? Ang tigas-tigas kaya ng higaan ko.”

“Isusumbong din ako ng mga tiyahin ko sa mga magulang ko kapag doon ako natulog. I don’t want to see them, Veronica. Please, just let me sleep here,” pagmamakaawa nito.

Hay naku! Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi ko naman kayang palayasin ito gayong para itong maiiyak na naman.

“Sige, pero sana, ito na ang huling beses na gagawin mo ito, okay? Huwag ka nang bumalik dito dahil hindi na talaga kita tutulungan kapag naulit ito.”

Muli akong napahinga nang malalim bago maglatag ng higaan sa sahig. Hindi naman kasi kakasya ang dalawang tao sa papag.

“You don’t really want to see me again?” Halos basag ang tinig nito nang itanong iyon.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon