Kabanata 21

1K 51 19
                                    

Veronica

“’Tay naman! Ang sakit, a! Ipinambayad ko naman iyong pera sa hospital bill at mga gamot mo, a!” hindi ko mapigilang bulalas nang kurutin na naman ako nito.

“E, bakit pinagtataguan mo ang pinagkakautangan mo? Balak mo bang sumunod sa mga kapatid mo at iwan ako rito?”

Sa sinabi nitong iyon ay napanguso ako at lumamlam ang mga mata. Umiling agad ako. Umayos na lang ako ng upo at tumungo.

“By the way, this is my uncle, Veronica. Tito Leonardo Marquez. Just call him Tito Leo,” pakilala bigla ni Gabriel sa uncle niya.

Saka ko lang din napagtanto na ito pala ’yong pulis na tito niya na ginagawang panakot sa akin ni Kimmy noon. After eight years, ngayon ko lang ito nakita. Matipuno at bagamat nakangiti sa akin ay makikitaan ng katapangan at mukhang respetado.

At saka, haler?! Balak niya akong kasuhan at naghakot pa talaga ng pulis dito para takutin ako, tapos gusto niyang ipakilala sa akin ang uncle niya at tawaging tito rin?! Abnoy ba ito o ano?!

Pasimple kong inismiran si Gabriel pero napanguso rin nang pitikin ni Papa ang sentido ko.

“Aray!”

“Mag-usap nga kayo. Kausapin mo at baka magkaayos pa at hindi na humantong pa sa demandahan,” mariing bulong nito na ikinakaba ko.

Pero wala akong nagawa nang magpaalam si Gabriel na lalabas daw. Sumunod naman ako kahit alanganin. But then, kung makikiusap ako sa kaniya na baka puwede pa akong bigyan ng palugit para mabayaran ko ang utang ay baka hindi na humantong pa sa kung saan ang bagay na ito.

Sa madilim na bahagi ng likod ng bahay ay huminto ang lalaki at hinarap ako agad na ikinaatras ko.

Ni hindi ko magawang mag-angat ng tingin dito dahil nahihiya ako.

“What? Aren’t you going to beg or something?” May mapaglarong ngiti sa mga labi nito bagamat may kadiliman ang puwesto namin.

Napalunok tuloy ako lalo. So, gusto niya talagang makitang magmakaawa ako sa kaniya? Tulad ng ginawa niyang pagmamakaawa sa akin noon?

Humugot ako ng malalim na hininga bago ito saglit na sulyapan. “I-Ibabalik ko sa iyo ang pera. Huwag mo lang akong ipakulong, ha? Promise, ibabalik ko!” utal kong turan. Papaano na lang si Papa kapag nakulong ako? Nakulong na nga ang mga kuya ko, pati ba naman ako? “Promise talaga, Gabriel. Magbabayad ako sa iyo. Hindi kita tatakasa—”

“Who told you to return the money?”

Natigilan ako bigla sa sinabi nito.
A-Ano raw?

Kanda lunok ako at hilaw na ngumiti. “H-Huh?”

Sabi niya, kailangan ko siyang bayaran?!

“I don’t need it, Veronica. You can keep it if you want.”

Hindi ko na ba ibabalik ang pera niya? Ngunit bakit? Ang laking halaga kaya niyon!

Kinutuban ako ng masama dahil sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa akin. Hindi iyon maganda.

“Magkita-kita na lang tayo sa presinto, hmm. What do you think?”

Para akong natuklaw ng ahas sa sinabi nito. P-Presinto? Kakasuhan niya talaga ako? Hindi agad ako nakaimik dahilan para talikuran ako nito kaya nataranta ako.

“S-Sandali! Babayaran ko naman, Gabriel. H-Huwag namang ganiyan. Mag-amigo tayo, ’di ba? He-he. ”

“No. Binalaan na kita noon, but did you listen? No, right? At hindi ko rin alam kung saan ka pa kumuha ng lakas ng loob para i-block ako. I just told you that I missed you, why did you block me?” Gumalaw pa ang panga nito nang sabihin iyon.

Caught By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon